Vic

Boss Vic, wala pang balak mag-retire

January 2, 2023 Aster Amoyo 885 views

NAGSIMULA at nagtapos ang taong 2022 na masaya ang Viva Group of Companies big boss, ang Chairman-CEO na si Boss Vic del Rosario dahil sa kabila na meron pa ring pandemya ay naipagpatuloy niya ang kanyang iba’t ibang mga negosyo mula sa pagpu-produce ng pelikula, TV shows, Vivamax app, recordings, talent management, food business at iba pa.

We consider Boss Vic a `business visionary’ and a `gambler’ dahil siya lamang halos ang natatanging film and TV producer ang naka-survive sa pananalasa ng Covid-19 hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

When other producers cease to produce films nung kasagsagan ng pandemya, Boss Vic took the risk and was able to create and develop his company’s own streaming app, ang Vivamax na meron na ngayong mahigit 5 million subscribers.

Sa 2019 Metro Manila Film Festival, before the pandemic, nanguna sa takilya ang kanyang entry, ang Philippine adaptation ng Korean movie of same title, ang “Miracle in Cell No. 7” na pinagbidahan ni Aga Muhlach mula sa direksiyon ni Nuel Naval.

In 2020, via streaming lamang ang isinagawang MMFF kung saan ang entry ng Viva ay ang comedy film na “Pakboys: Takusa” na dinirek ni Al Taytay at tinampukan nina Janno Gibbs, Dennis Padilla, Andrew E. at Jerald Napoles at nakakuha ito ng 31.4M views mula sa paying viewers.

Nung 2021 naman sa pagbabalik at muling pagbubukas ng mga sinehan, Viva Films in cooperation with AgostosDos Pictures (ni Dingdong Dantes) fielded another Korean action-drama movie na “A Hard Day” na pinagbidahan nina Dingdong at John Arcilla at dinirek ni Lawrence Fajardo.

At nitong 2022 MMFF na nagsimula on Christmas day, December 5 at magtatapos ngayong January 7, 2023, dalawa sa top-grossing films ay mula sa Viva at co-production with Star Cinema, ang “Deleter” na pinagbidahan ni Nadine Lustre at dinirek ni Mikhail Red at ang “Partners in Crime” nina Vice Ganda at Ivana Alawi na pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Molina.

Ngayong 2023 ay maraming magagandang proyekto ang naka-line-up sa bakuran ng Viva at kasama na rito ang grand launch ng Viva Prime streaming app ngayong January 29, 2023, the same date that Vivamax was launched a couple of years ago.

Kung ang Vivamax app ay kilala sa pagpapalabas ng mga sex-oriented adult films, ang Viva Prime naman ay magpapalabas ng mga content for family viewing at ang first film na nakatakdang ipalabas dito ay ang globally hit movie na “Maid in Malacanang” na tinampukan nina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Elizabeth Oropesa, Beverly Salviejo at iba pa mula sa panulat at direksiyon ng controversial director na si Daryl Yap.

Sa Viva Prime din ipalalabas ang 10-part series na “The Rain in Espana” na sinulat ni Gwy Saludes at pinamamahalaan ni Theodore Boborol na tinatampukan nina Heaven Perajelo, Marco Gallo at marami pang iba .

Ayon kay Boss Vic, marami umano silang naka-line-up na proyekto sa taong ito. May mga pelikula silang for theatrical release habang ang iba naman ay para sa sarili nilang streaming platform.

May entry rin ang Viva Films sa kauna-unhang Summer Metro Manila Film Festival.

Magiging aktibo rin this year ang Viva Live sa pagpu-produce ng live concerts featuring various artists at kasama sa line-up ang pagbabalik sa concert stage ng Pop superstar na si Sarah Geronimo na malamang gumawa rin ng pelikula gayundin si Anne Curtis.

Ang movie adaptation ng Korean movie of the same title na “Spellbound” na pinagbibidahan ni Bela Padilla ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa buwan ng Marso at ngayong February 22 ay for release naman ang sequel sa hit move na “Maid in Malacanang,” ang “MoM (Martyr or Murderer)” na pinamahalaan pa rin ni Darryl Yap.

Meron din silang bagong TV program na iku-co-produce with TV networks most likely with GMA and TV5 habang bukas din ang iba sa iba’t ibang kolaborasyon with ABS-CBN and other producers.

Patuloy din ang Viva Artists Agency at Viva Records sa pagtuklas, pag- develop at pag-build-up ng mga bagong talents.

As to the company’s food business na pinamamahalaan ng isa sa mga anak ni Boss Vic na si VR del Rosario, lalong lumalago ang iba’t ibang sangay ng Botejyu (with 50 branches and more to come), Paper Moon, Wing Zone, Greyhound Thai Restaurant (now with 4 branches) at iba pa. Ang Viva Foods ay nakatakdang magbukas ng 55 more branches this year.

Boss Vic is not yet entertaining the idea of retiring kahit kamado na ng kanyang mga anak na sina Vincent, Veronique, Valerie at VR ang kanilang mga negosyo.

Si Boss Vic pa rin kasi ang sikreto at moving force ng kanilang mga negosyo na kinabibilangan na rin ng kanyang grandchildren (3rd generation).

Samantala, ilang empleyado ng Viva ang nagsabi sa amin na wala ni isa man sa kanila ang nawalan ng trabaho at the height ng pandemic.

Hindi inaasahang tagumpay

SAMANTALA, inamin sa amin ni Boss Vic del Rosario, Jr. that the movie “Deleter” was not originally intended for the 2022 Metro Manila Film Festival at ipapalabas lamang ito on a regular run sa mga sinehan. Pero nang malaman niyang umatras ang isang film producer na horror ang tema ng pelikula, doon umano niya isinumite ang pelikulang pinagbibidahan ni Nadine Lustre at pinamahalaan ni Mikhail Red.

He also confessed to us na wala umano siyang gaanong expectation sa pelikula na ito’y magiging box office hit at award-winning movie. Ang alam lamang niya, maganda ang pagkakagawa ni Direk Mikhail ng movie.

He was even surprised nang maging top-2 ang movie sa pagbubukas ng walong kalahok sa festival on Christmas Day. Pero umarangkada ang “Deleter” simula nung December 28 pagkatapos ng Gabi ng Parangal nung December 27,

The movie took home seven major awards at kasama na rito ang Best Picture,Best Director (for Mikhail Red) at Best Actress (for Nadine Lustre). Kasunod na rito ang pag-angat ng pelikula sa takilya hanggang malagpasan nito ang pelikula nina Vice Ganda at Ivana Alawi, ang “Partners in Crime” na dinirek ni Cathy Garcia-Molina.

Cineko Productions’ “Family Matters” ranks at far No. 3 kasunod ang “Labyu with an Accent” nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria at No. 4.

Mukhang maa-achieve ng pamununuan ng MMFF ang kanilang target na P500-M dahil sa dalawang pelikula pa lamang na “Deleter” at “Partners in Crime” ay mahigit P300-M na ang kinita.

Dahil sa malaking tagumpay ng “Deleter,” expect more projects for Direk Mikhail sa bakuran ng Viva.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE