Lotlot

Lotlot at Monching kahit hiwalay hindi naging pabayang magulang

January 2, 2023 Aster Amoyo 523 views

PAREHONG menor de edad sina Ramon Christopher (Gutierrez) at Lotlot de Leon nang sila’y magpakasal nung March 27, 1989 kaya madaling naaprubahan ang annulment ng kanilang kasal nang mag-file si Lotlot nung 2007 after 19 years of marriage and being together for 13 years.

Lotlot was 16 at 18 naman si Monching at pareho silang miyembro noon ng youth-oriented program na “That’s Entertainment” ng yumaong star-builder na si German `Kuya Germs’ Moreno.

Ang dating celebrity couple ay nabiyayaan ng apat na anak, now all grown up na ang panganay ay ang popular singer-actress-host na si Janine Gutierrez na sinusundan nina Jessica, Diego at Maxine.

Sa apat na anak nina Monching at Lotlot, tanging sina Janine at Diego lamang ang sumunod sa kanilang parents sa showbiz.

Si Lotlot ay adoptive daughter ng former celebrity couple, ang superstar na si Nora Aunor at ang drama king na si Christopher de Leon habang si Monching ay anak ng Asia’s Queen of Song na si Pilita Corrales sa dating Sampaguita matinee idol na si Eddie Gutierrez.

Sister ni Lotlot ang actress na si Matet de Leon (na isa ring adoptive daughter ni Nora Aunor), Ian de Leon (biological son nina Nora at Boyet) at dalawa pang adoptive brothers na sina Kiko at Kenneth. Habang si Monching ay half siblings (sa father side) sina Tonton Gutierrez, Ruffa Gutierrez, Rocky, Elvis, ang twin brothers na sina Richard at Raymond at Ritchie Paul. Cousins naman ng mga anak nina Lotlot at Monching ang dalawang anak nina Tonton at Glydel Mercado na sina Aneeka at Aneeza gayundin ang dalawang anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice maging ang mga anak nina Rocky, Elvis at Richard at wife nitong si Sarah Lahbati.

Coming from both showbiz families, hindi kataka-taka na pati dalawa sa kanilang apat na anak ay pumalaot na rin sa kaparehong industriya.

Kahit nauwi sa hiwalayan ang pagsasama bilang mag-asawa nina Lotlot at Monching ay hindi nila pinabayaan ang kanilang pagiging co-parents sa kanilang mga anak at nanatili silang magkaibigan up to this day kahit nag-asawang muli si Lotlot sa kanyang Lebanese husband na si Fadi El Soury.

Lotlot married Fadi nung December 17, 2018 sa El Jardin de Zaida in San Juan, Batangas matapos ang kanilang pagiging magkasintahan ng limang taon. Habang nananatiling single hanggang ngayon si Monching na masayang kasama ang tatlo sa kanyang apat na anak na sina Jessica, Diego at Maxine. Ang panganay na si Janine ay solo nang namumuhay.

Masaya ang mga anak nina Lotlot at Monching na kahit hiwalay ang kanilang parents ay hindi nagpabaya ang mga ito sa kanilang obligasyon sa kanila bilang magulang. Nakakatuwa ring isipin na pati sina Monching at Fadi ay magkaibigan din at close ang mga anak nila ni Lotlot sa kanilang step-dad. Mabait din naman kasi ang second husband ni Lotlot.

Samantala, bukod sa adoptive parents ng award-winning actress na si Lotlot na sina Nora Aunor at Christopher de Leon, nakilala na rin ng actress ang kanyang biological parents na sina Donald Olson at Eva Rodriguez na may kani-kanya na ring pamilya.

At a very young age ay naalagaan at naging protector si Lotlot ng kanyang apat na younger siblings na Matet, Ian, Kiko at Kenneth. Siya pa rin ang takbuhan ng mga ito pagdating sa oras ng pangangailangan.

Chiz

Post ni Heart patunay na hindi sila hiwalay ni Chiz?

HIWALAY na nga ba talaga ang mag-asawang Sen. Chiz Escudero at Kapuso singer-actress, visual artist, celebrity endorser, fashion icon and entrepreneur na si Heart Evangelista?

Ang separation issue ng mag-asawa ay may kung ilang buwan na ring lumulutang at pinag-uusapan ng marami pero never na nagsalita ang isa man kina Sen. Chiz at Heart.

Ginawang basehan ng iba ang mga makahulugang mensahe ni Heart sa kanyang Instagram account at hindi umano pagbati ng singer-actress sa kaarawan ng kanyang mister pati na nitong nakaraang Christmas. Mas lalo pang umugong ang balita na may kinalaman sa kanilang paghihiwalay diumano ay nang mag-desisyon si Heart na bumili ng sarili nitong apartment sa Paris, France kung saan ito madalas pumunta at maglagi. Pero marami ang nagulat nang muling mag-post si Heart sa kanyang Instagram account the other day kung saan naka-tag ang kanyang mister ng “See you soon@escuderochiz”.

Muling nag-conclude ang marami na nakatakdang umuwi ng Pilipinas si Heart to celebrate the coming New Year with her husband and stepchildren na sina Quino and Chesi, her parents, siblings and friends.

“Living between 2 worlds Paris and Manila (heart emoji) 2 clocks in one @philipsteinph walking around Paris before heading home for a New Year (two wine glass emoji).

Ps – See you soon@escuderochiz (heart emoji).”

With the simple post ni Heart sa kanyang Instagram account, isa itong patunay na tila walang katotohanan ang balitang hiwalay na umano ang mag-asawa.

Since isang araw na lamang ang nalalabi at magpapalit na ng taon, marami ang nakaabang sa magiging post ng mag-asawa sa kanilang respective IGs pagdating ng Bagong Taon.

ViceNadine

Awards nakatulong ba sa box office standing ng ibang pelikula?

MASAYANG-masaya ang big boss ng Viva Group of Companies na si Boss Vic del Rosario dahil parehong pumapalo sa takilya ang dalawa sa walong pelikula na kalahok sa ongoing Metro Manila Film Festival, ang “Partners in Crime” nina Vice Ganda at Ivana Alawi ng co-production ng Star Cinema at Viva Films at ang solo project ng Viva, ang suspense-thriller movie na “Deleter” na pinagbibidahan ni Nadine Lustre kasama sina McCoy de Leon, Louise de los Reyes at Jeffrey Hidalgo na dinirek ni Mikhail Red.

Ang magandang balita, wala na umanong `First Day, Last Day” sa mga kalahok na mahina ang hila sa takilya dahil bibigyan sila ng chance na makabawi up to the end of the filmfest on January 7, 2022.

Ang tanong: nakatulong ba ang awards para umangat sa takilya ang ibang pelikula na hindi kasing lakas ng top-grossing films?

Samantala, masaya ang mga nasa likod ng MMFF sa magandang turn-out ng mga manonood sa tumatakbong film festival at malamang na maabot nila ang kanilang target ng P500M for this year’s filmfest gross receipts.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE