Gandanghari

BB, bet makatrabaho si Daniel

December 30, 2022 Vinia Vivar 367 views

Ang bongga ng pagbabalik ni BB Gandanghari sa Pilipinas dahil may hosting job agad siya. Isa siya sa mga nag-host ng Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal last Dec. 27 at pinagkaguluhan nga ng press ang kanyang pagdating sa venue sakay ng isang Porsche.

Ayon kay BB, masaya siya sa napakainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao sa kanyang pagbabalik sa bansa after seven years.

Bukod nga sa nagkaroon agad siya ng hosting job ay may mga offer din daw sa kanya na gumawa ng TV series at pelikula.

“Hopefully matuloy lahat ‘yan,” sambit niya.

Asked kung sino ang gusto niyang makatrabaho among our younger stars, aniya ay ang pamangkin niyang si Daniel Padilla.

Ang plano nga lang daw niya talaga sa kanyang pagbabalik ay bakasyon lang. But at the rate things are going, mukhang hindi siya makakapagbakasyon.

But thankful siya sa opportunity lalo na nga ang ibinigay sa kanyang pagkakataon na makapag-host ng MMFF awards night.

Sobrang happy din ni BB sa acceptance ng mga tao sa kanya, partikular na ang mga non-showbiz people.

“Nagpunta ako ng Binondo, lumakad ako do’n, walang nambastos, not even once. Everyone is very welcoming and loving. So, I can’t really ask for more,” she said.

Of course, masayang-masaya raw siya na nakapiling niya ang kanyang pamilya, lalo na nga ang kanyang inang si Eva Carino-Padilla, na matagal na panahong hindi niya nakapiling.

CHRISTMAS TREE ANG BEST GIFT

Hindi makalimutan ni Ogie Alcasid ang isang Christmas sa buhay niya kung saan ay hindi pa niya asawa si Regine Velasquez pero niregaluhan siya nito ng Christmas tree.

“Naaalala ko noong mga panahong mag-isa lang ako, kasi nahiwalay ako, hindi ba?” simulang pagbabalik-tanaw ni Ogie sa episode ng It’s Showtime nitong Kapaskuhan.

“Si Regine, dinalhan niya ako ng Christmas tree sa bahay ko. Kasi wala akong Christmas tree. Iyak ako nang iyak,” pagbabahagi ni Ogie.

“’Yun ang pinaka-memorable gift sa akin ng partner ko na ngayon ay asawa ko na,” sey pa niya.

The celebrity couple just celebrated their 12th wedding anniversary and to date, isa sila sa may pinakamatatag na pagsasama sa showbiz.

AUTHOR PROFILE