Default Thumbnail

BOC-POS at SBMA, handang magtulungan!

June 11, 2023 Vic Reyes 190 views

Vic ReyesTINAPOS kamakailan ng Bureau of Customs (BOC) ang isang “highly-productive and insighful training on the ASEAN Customs Declaration Document (ACDD).”

Ang training ay isinagawa in collaboration sa United States Agency for International Development (USAID)-ASEAN Policy Implementation (API) Project, ayon sa BOC.

Dumalo sa pagsasanay ang mga personnel na may kinalaman sa implementasyon ng ACDD at operasyon ng BOC’s ACDD Management Portal.

Ang mga resource speaker, na galing sa USAID-ASEAN API Project, “briefed the (training) participants sa status of the ACDD implementation.”

Sa isang talumpati, na binasa ni MISTG officer-in-charge Depcom Kriden Balgomora, BOC chief Bienvenido Y. Rubio “expressed his enthusiasism for the training session.”

“This marks a significant step forward in our pursuit of harmonized customs practices within the ASEAN” region, ayon pa sa mensahe ni Customs Commissioner Rubio.

Dagdag niya: “By leveraging our collective experiences and embracing innovative solutions, we can enhance customs processes, bolster border security, and promote a conducive trade environment.”

Sa tingin ng mga stakeholder, malaking tulong ang ginawang pagsasanay ng mga opisyal at tauhan ng mga taga-BOC, na nasa ilalim ng Department of Finance.

Talagang dapat lang na mapaganda ang ugnayan ng mga miyembro ng ASEAN.

Ito ay kung gusto nating maging smooth at kaaya-aya ang trade relations ng mga kasapi ng influential na regional grouping na kinabibilangan ng Pilipinas.

***

Tama ang ginagawa ng Bureau of Customs-Port of Subic (BOC-POS) na pakikipag-ugnayan sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Dapat lang na lalong mapaigting ang collaboration ng dalawang ahensya ng gobyerno upang mapagsilbihan ng maayos ang mga port user sa Port of Subic sa Zambales.

Kamakailan nga ay nagpulong sina BOC-Port of Subic District Collector Carmelita “Mimel” C. Manahan-Talusan at SBMA Chairman Jonathan D. Tan.

Sa kanilang miting ay nangako sina Collector Mimel Talusan at Collector Tan na sila’y magtutulungan “to ensure efficient customs processes within the Port of Subic.”

Si Collector Talusan ay anak ni dating Customs Deputy Commissioner Julie C. Manahan, na kapatid naman ni businessman at dating Ilocos Sur Gov. Luis Chabit Singson.

Ang Port of Subic ay isa sa major collection districts ng BOC, na pinamumunuan ngayon ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ng Batac City, Ilocos Norte.

Huwag natin kalimutan na isa sa unang marching orders ni Pangulong sa Marcos sa Department of Finance, na nakakasakop sa BOC, ay labanan ang ismagling.

Kapag nawala ang ismagling ay siguradong tataas ang revenue collection ng BOC at matutulungan ang mga nahihirapang magsasaka at mangingisda sa buong bansa.

Hirap ang mga magsasaka at mangingisda dahil sa pagbaha ng mga puslit na produktong agrikultura sa bansa.

Hindi ba, Commissioner Rubio?

***

Dapat bilisan ng gobyerno ang pagtatayo ng mga fully-equipped evacuation centers sa buong bansa.

Huwag natin kalimutan na ang Pilipinas, na napapaligiran ng malalaking bodies of water, ay suki ng mga malalakas na bagyo, lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Ayon nga sa record, an average of 20 typhoons and storms ang dumadalaw sa bansa taun-taon.

Ilan sa mga bagyong ito ay nagdadala ng mga malalakas na ulan na nagpapabaha sa maraming lugar sa bansa, lalo na ang mga mabababang lugar sa Metro Manila.

Kaya nga dapat bilisan ng gobyerno ang pagtatayo ng mga evacuation center sa mga lugar na ito para may pagdalahan sa mga flood victim.

Sa ngayon, ang mga pampublikong paaralan ang ginagamit na pansamantalang evacuation centers kapag may kalamidad, kagaya ng baha, sa isang lugar.

Kaya napipilitang tumigil ang mga mag-aaral hangga’t hindi humuhupa ang baha.

Hindi ito katanggap-tanggap sa mga bata at magulang. Hindi dapat isakripisyo ang pag-aaral ng mga bata.

(Para sa inying komento at suhestiyion, mag-text sa#0917-8624484/email/[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE