DAR

Pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka pinamamadali ni PBBM

May 24, 2024 Chona Yu 76 views

INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Agrarian Reform (DAR) na bilisan ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka na benipersaryo ng agrarian reform.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa pamamahagi ng Certificates of Land Ownership sa Koronadal, South Cotabato, sinabi nito na dapat na maging mabilis ang pagkilos ng gobyerno.

Pangako ni Pangulong Marcos na tutugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka lalo’t matindi ang epekto ngayon ng El Niño.

Nasa 10,700 mga titulo ng lupa ang ipinamahagi ni Pangulong Marcos para sa higit 18,000 ektaryang lupa sa Region 12.

Ayon sa Pangulo, kabilang sa mga naipamahagi nila ay 4,300 na certificate of land ownership awards at electronic titles sa South Cotabato, Cotabato, Saranggani at Sultan Kudarat.

Mayroon pang natitirang halos 2,000 titulo para sa 2,600 magsasaka sa rehiyon ang nakalinya ring ipamahagi sa taong ito.

Ayon pa kay Pangulong Marcod, dahil sa New Emancipation Act na kaniyang nilagdaan burado na ang lahat ng pagkakautang ng mga benepisyaryo ng lupang pang-agraryo.

AUTHOR PROFILE