Aubrey

Aubrey at Troy nagpakasal na

June 10, 2022 Aster Amoyo 178 views

AFTER over 18 years of being together and two kids – Hunter Cody (13) and Rocket (3), celebrity couple Aubrey Miles (42)and Troy Montero (50) are finally married. The couple had an intimate civil wedding ceremony last Thursday, June 9 held at Mandaluyong City Hall officiated by Mayor Carmelita `Menchie’ Abalos.

Aubrey and Troy got engaged only last March 2022 in Boracay which Troy posted on his Instagram account on March 22. The couple had already plans of having an intimate wedding in Batanes as early as April 2020 but because of the pandemic, they had it canceled.

The couple started their relationship in 2003. Aubrey already had a love child then, John Maurie (24) with ex-boyfriend, JP Obligacion, the grandson of the late comedian-host, Oscar Obligacion.

Wala pang sinasabi ang longtime partners kung may plano pa silang magpakasal sa simbahan or Christian wedding para makadalo ang kanilang respective families and friends. Ang mahalaga sa ngayon ay legal na ang kanilang pagsasama.

Rufa

Mga anak ni Ruffa muling makakasama ang ama

RUFFA Gutierrez sent off her two daughters (by Turkish businessman ex-husband Yilmaz Bektas) Lorin and Venice Gutierrez Bektas at the NAIA airport for Istanbul to get reunited with their father (and relatives) na hindi nila nakita for 13 years.

Lorin (18) and Venice (17) were both excited to see their dad and their relatives.

Ruffa admitted that she’s on speaking terms again with her ex-husband dahil sa kanilang dalawang anak at dito nila napagkasunduan ang pagdalaw nila sa Istanbul.

Kahit matagal nilang hindi nakita ang kanilang ama, they were communicating maging sa iba nilang kamag-anak sa side ni Yilmaz.

Sa pakikipagkita nina Lorin at Venice sa kanilang father at sa kanilang mga kamag-anak sa Istanbul, inaasahan na magiging simula na ito ang close bonding ng mag-anak.

Sina Lorin at Venice ay parehong ipinanganak sa Los Angeles, California kaya pareho silang American citizens.

Bilang ina, natutuwa si Ruffa sa kanyang dalawang anak na parehong excited na makita at maka-bond ang kanilang ama na mahabang panahon nilang hindi nakita.

Rose

Direktor hands on sa sexy scenes

ANG engaged couple na sina Direk Dan Villegas at Direk Antoinette Jadaone ang nag-produce ng upcoming sexy film ng Viva Films na nakatakdang ipalabas sa Vivamax streaming up sa darating na July 8, 2022, ang “Kitty K7” na tinatampukan nina Rose Van Ginkel at Marco Gallo” at dinirek ng mahusay na young director and cinematographer (tulad ni Direk Dan Villegas) na si Joy Aquino. Ang nasabing pelikula ay masasabing first sexy movie na dinirek ni Direk Joy na prinudyos nina Direk Dan at Direk Antoinette. Ito rin bale ang first collaboration ng tatlong director.

Ayon kay Direk Dan, hindi umano sila personal na magkakilala ni Direk Joy pero aware umano siya sa credentials ng young lady director at cinematographer at ito ang naging simula ng kanilang kolaborasyon.

Natutuwa si Direk Dan sa kinalabasan ng “Kitty K7” dahil napaka-hands-on umano ni Direk Joy sa lahat ng aspeto pati na sa bumubuo ng cast laluna ang pagkuha ng mga intimate scene. She has so much respect sa mga artista at kinakausap niya ang mga ito bago kunan ang mga eksena. Nagkaroon din sila ng workshop para maging kumportable ang lahat laluna ang lead stars na magi-execute ng daring parts.

Ipinaliwanag din ni Direk Joy na kahit sexy ang tema ang kanyang first Vivamax movie, maipagmamalaki umano niya ang kuwento at pagkakagawa ng pelikula.

Hindi naman nagdalawang-isip sina Rose Van at Marco na gawin ang movie nang mabasa nila ang script.

Aminado pareho ang dalawang lead stars ng “Kitty K7” na ito umano ang kanilang most daring film na nagawa but more than the sexy scenes, ang kakaibang istorya umano ang magdadala ng pelikula which they find very challenging.

Although four years older si Rose Van sa Fil-Italian actor na si Marco, hindi ito mahahalata sa pelikula dahil napakaganda at young looking ng Viva sexy star.

‘Biyak’ masisilip na

NGAYONG July 1 na mapapanood ang pelikulang “Biyak” na pinagbibidahan nnnina Angelica Cervantes, Quinn Carillo, Vance Larena at Albie Casino mula sa direksyon ng premyadong director na si Joel Lamangan sa Vivamax streaming app.

Although sexy ang tema ng pelikula at may pagka-double meaning ang titulo, klinaro na dinirek Joel na ang ibig sabihin ng “Biyak” sa movie ay tungkol sa hatian, commission or parte.

Tulad ng ibang director na gumagawa ng mga sexy-themed movies for Vivamax, dapat i-consider umano ang kuwento ng pelikula at hindi lamang ang sexy scenes ang naalala ng mga manonood.

Dimples

Dimples manganganak na sa bagong baby boy

NEXT month (July) na nakatakdang isilang ng Kapamilya actress na si Dimples Romana ang kanyang third child at ng husband niyang si Boyet Ahmee after seven years.

Pitong taong gulang na ang second child ng mag-asawang Dimples at Boyet na si Alfonso habang 18 years old naman ang kanilang panganay na si Callie na nag-aaral na maging isang piloto.

Baby boy ang nakatakdang isilang ni Dimples ngayong July at may nakahanda na silang pangalan, si Elio.

Kamakailan lamang ay nagbigay ng surprise baby shower kay Dimples na pinangunahan nina Angel Locsin at Bea Alonzo.

Malalaki ang agwat ng mga anak ng mag-asawang Dimples at Boyet. Eleven years ang pagitan nina Callie at Alonzo habang seven years naman kina Alonzo at sa magiging baby brother na si Elio.

Ayon kay Dimples, na-sorpresa umano siya nang muli siyang mabuntis sa kanyang third child.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube Channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE