Liza

Planong magka-baby ni Chair Liza, made-delay

June 9, 2022 Vinia Vivar 143 views

Dahil nabigyan pa ng another three years si Chair Liza Diño-Seguerra para pamunuan ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), mukhang made-delay na naman ang matagal na nilang plano ng mister na si Ice Seguerra na magkaroon ng sariling anak.

“Diyos ko, magfo-41 na ako, paano na ‘yung baby? Wala na talaga,” natatawa niyang sabi nang makatsikahan namin sa grand press launch ng “PeliKULAYa” bilang pagdiriwang sa Pride Month ngayong Hunyo.

“I mean, ayokong magsabi nang tapos, pero it’s a challenge, you know, ‘yung balancing between family and the work,” she added.

Pero at the same time, she feels happy for the reappointment dahil pagpapatunay ito na nagagampanan niya talaga nang maayos ang kanyang trabaho.

“Actually, ang saya nu’ng na-reappoint ka pero ‘yung nakuha mo rin ‘yung magandang sentimyento ng industry, parang ‘yun ‘yung mas fulfilling sa akin kasi parang I was going through ‘yung reactions ng mga industry people sa reappointment ko and even the industrial community. I was receiving a lot of like, ‘congratulations, we’re so happy na magko-continue ka,’ so it’s so humbling na parang ‘oh, wow, na-appreciate pala ‘yung mga ginagawa ng ahensiya,’” sey ni Chair Liza.

Matatandaang bago pa man mag-eleksyon nang ma-reappoint si Liza as FDCP chairperson at ngayong may bago nang administrasyon, prerogative pa rin daw ng bagong Presidente kung gusto siyang palitan.

Samantala, ipinagdiriwang ng FDCP ang Pride Month this June with PeliKULAYa: International LGBTQIA+ Film Festival in a hybrid format from today, June 10 until 26.

May temang “Pantay-Pantay, Iba’t Ibang Kulay,” inanunsyo sa grand press launch ang line-up of films and activities for this year para sa nasabing event kasabay na rin ng pagdiriwang ng 20th anniversary ng FDCP.

A total of 50 local and international films co-presented by partner embassies and organizations will be screened online and onsite as part of this year’s festival line-up.

“This year, as we continue to fight for the freedom and rights of the LGBTQIA+ community, we also celebrate the achievements and support the causes of the members of the community this June.

“We, at the FDCP are offering an eventful month through PeliKULAYa with a month-long line up of film screenings and events to celebrate this significant month. Happy Pride Month from team FDCP,” pahayag ni Chair Liza.

Para sa kumpletong line-up of activities at karagdagang impormasyon, bisitahin lang ang Facebook, Twitter at Instagram pages ng PeliKULAYa.

AUTHOR PROFILE