JM

JM, ’di isusuko ang prinsipyo

June 10, 2022 Ian F. Fariñas 114 views

Mercy Lejarde

Bibida si JM de Guzman bilang minerong lalaban para sa hustisya dahil sa pagkakamali ng kumpanyang pinagtatrabahuan sa two-part Father’s Day special ng MMK simula ngayong Sabado (Hunyo 11).

Ani ni JM, malaki ang natutunan niya sa kanyang karakter. Tulad daw nito, hindi niya igi-give-up ang kanyang prinsipyo.

“May mga bagay na alam mong tama tapos napu-push ka sa paligid mo na gawin ’yung mali kasi mas madali pero hindi mo gagawin ‘yun. Doon ka pa rin sa tama,” saad ng Kapamilya actor.

Sa naturang kwento, kilalang may prinsipyo at may malasakit ang lider ng mga minero na si Mel (JM). Lahat nga ay gagawin niya para mapabuti ang buhay ng kanyang pamilya pati na ang kanyang mga kasamahan.

Kaya naman nang malaman ni Mel na may “unfair practices” na ginagawa ang kumpanya ay naghain sila ng kaso laban sa mga ito.

Dumaan man ang ilang taon, hindi bumitaw si Mel sa laban at hinikayat ang mga kasamahan na manindigan para sa karapatan.

Alamin kung nakuha ba nila ang inaasam na hustisya sa MMK sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page at iWantTFC.

Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

AUTHOR PROFILE