Andrea “Andeng” Ynares

Antipolo LGU, Globe nagsani pwersa para sa mabilis, maasahang internet connection

May 30, 2021 People's Tonight 755 views

MAHALAGA ang komunikasyon at koneksyon sa panahong tulad ng pandemya, kaya’t minarapat ng Antipolo City Government na makipag-alyansa sa Globe Telecoms, para sa libreng GoWiFi at Automated Mobile Blaster service sa mismong tanggapan ng Lokal na Pamahalaan at sa ilang piling medical facilities.

Sinabi ni Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” Ynares na target nito na mabigyan ang mga Antipolo LGU personnel, lalo na ang mga residente ng siyudad, ng mas matibay, ligtas at tuloy-tuloy na koneksyon sa WiFi para maisagawa ang pang-araw-araw na gawain. Makakatulong din ito na mapanatiling konektado ang magkakapamilya, at maiparating ng LGU ang mahahalagang impormasyon sa mga residente.

“We are thankful to Globe for powering Antipolo with these life-enabling tools and innovations so our residents are able to live and even thrive in the new normal,” sinabi ni Mayora Ynares.

“With GoWiFi and AMBER in place, Globe is helping Antipolenyos stay online, connected, and informed, mula sa mga estudyante at mga guro, mga namamasada, manggagawa, at iba pa,” dagdag niya.

Bukod sa Antipolo City Hall, ang mga residente ay maaring kumunekta sa libreng GoWiFi services sa mga ospital sa Antipolo tulad ng Rizal Provincial Hospital Padilla, Rizal Provincial Hospital Dalig, Rizal Provincial Mambugan.

Bukod sa GoWiFi, sinabi ni Mayora Ynares na naglagay din ng AMBER, na siyang magagamit ng LGU para magpakalat ng mahalagang impormasyon sa mga residente, tulad ng community announcements at updates sa vaccination program.

“Sa panahon ngayon maituturing na essential ang internet connection. Kaya nakipagkasundo tayo sa Globe para sa mas matibay na koneksyon sa bahay, sa opisina, saan man sa Antipolo, para hindi mawala ang isa sa pinakamahalagang aspeto ng pamilya – ang komunikasyon,” sinabi ni Mayora Ynares.

Para makakonekta sa GoWiFi, kailangan lang ng mga residente ng Antipolo na buksan ang settings sa Wi-Fi-enabled device, at saka kumonekta sa SSID “@FreeGoWiFi” o sa “@<establishment>_FreeGoWiFi.”

Kailangan lang na mag-register at maghintay ng SMS verification sa pagpili ng a WiFi offer. Matapos nun ay maari nang mag-internet.

AUTHOR PROFILE