Default Thumbnail

11 tiklo sa pot session sa loob ng QC apartelle

May 30, 2021 Melnie Ragasa-limena 511 views

NABISTO ng pulisya ang isang pot session sa loob ng isang apartelle sa Quezon City matapos magkasa ng isang buy bust kung saan 11 drug suspects ang naaresto.

Kabilang sa mga naaresto ay sina Ibrahim Pundug alyas “Ryan”, 23, na umano’y tulak ng illegal na droga; Jefferson Sayson, 41; Walter Laureta Jr, 26; Bryan Brion, 28; Maria Teresa Osarion, 21; Joseph Gaborni, 34; pawang taga-Bgy. Tatalon, Quezon City; Charlie Marciano, 26; at Renan Federizo, 40, kapwa ng Bgy. Roxas District, Quezon City; Ameril Gonzalo Jr, 21, ng Bgy. Doña Imelda; Sammy Penaranda, 25, ng Bgy. Paligsahan, Quezon City; at Cherry Ann Ramos, 31, ng Bgy. Manresa, Quezon City.

Batay sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon kamakalawa nang maaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng QCPD-Kamuning Police Station (PS 10) ang mga suspek sa loob ng Room 3A, Casa Amore, na matatagpuan sa Sct. Chuatoco, Bgy. Roxas District.

Ayon kay PS-10 commander PLtCol Alex DJ Alberto, bago ang operasyon ay nakatanggap sila ng tip sa illegal na aktibidad ni Pundug, kaya’t nagkasa ng buy-bust laban sa kanya.

Isang undercover cop ang nagpanggap na poseur-buyer at nang makabili ng P6,500 halaga ng shabu kay Pundug ay kaagad itong inaresto, gayundin ang kanyang mga kasama na sina Sayson at Marciano.

Sa kasagsagan ng naturang drug transaction, nakita rin ng mga pulis ang isang grupo na nagsa-shabu session sa loob ng apartelle kaya’t kaagad na ring dinakip ang mga ito.

Narekober ng mga pulis mula sa mga suspek ang siyam na pakete na may lamang 16 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P108,800, mga drug paraphernalia at dalawang cellphone.

Ang mga suspek ay pawang nakapiit na at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.