Ang mga nagawa ni Uge para kay Dolly na ayaw ipasabi

May 5, 2023 Aster Amoyo 360 views

SA recent guesting ng actress-comedienne na si Eugene Domingo sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” on GMA ay inamin nito na puwede umano niyang talikuran ang kanyang showbiz career for love.

Inamin ng 51-year-old actress-comedienne na more than half of her life ay ginugol niya sa pagtulong sa kanyang pamilya kaya ang mga natitira pa niyang panahon ay puwede na umano niyang ilaan sa kanyang sarili at sa kanyang Italian husband na si Danilo Bottoni whom she met in Italy in one of the film festivals na kanyang dinaluhan.

Si Danilo ay isang Italian film critic.

Since sa Italy naka-base ang husband ni Eugene ay pabalik-balik siya ng Italy at Pilipinas gayundin ang kanyang husband. Nasa Pilipinas ang trabaho ni Uge (palayaw ni Eugene).

Nalaman ng publiko ang pagiging mabait at matulungin ni Uge nang mag-guest din sa “Fast Talk with Boy Abunda” ang kanyang kaibigan at dating kasamahan sa UP Theater Arts na si Dolly de Leon.

Si Dolly mismo ang nagkuwento na tini-treasure niya ang pagkakaibigan nila ni Uge hindi lamang dahil sa kanilang pagiging magkaibigan kundi ito umano ang madalas tumulong sa kanya nung mga panahong nangangailangan siya. Pati ang tuition fee ng kanyang anak ay si Uge ang nagbayad sa loob ng tatlong taon bagay na kahit kailan ay hindi pinagsabi ng actress-comedienne.

Siguro kung meron mang isang taong very proud sa achievements ngayon ni Dolly ay walang iba `yun kundi ang kaibigan niyang si Uge.

Samantala, inamin ni Uge na kung hindi umano niya nakilala ang kanyang husband ay kinunsidera na umano niya noon ang pagpasok.

Misyon ni Coco tuluy-tuloy

CocoLoviLornaChristopherJohnCherryISANG grand presscon ang ginanap sa ballroom ng Luxent Hotel nung nakaraang Huwebes ng tanghali para sa pagpasok ng ikalawang season ng “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin na siya ring co-director (along with Malu Sevilla and Darnel Villaflor) and co-producer ng action-drama TV series na nagsimulang mapanood sa ere nung February 13, 2023. Tampok din sa nasabing serye an array of powerful cast na kinabibilangan nina Lovi Poe, Charo Santos-Concio, Lorna Tolentino, Sen. Lito Lapid, Christopher de Leon, Cherry Pie Picache, Ryza Cenon, John Estrada, McCoy de Leon, Julio Diaz, Ejay Falcon, Joel Lamangan at marami pang iba.

Sa pagsisimula pa lamang ng “FPJ’s Batang Quiapo” ay meron nang 52 ang bumubuo ng cast na patuloy na nadadagdagan sa takbo ng kuwento.

Naging misyon ni Coco ang matulungan ang maraming artista na halos inactive na sa kanilang karera sa kakulangan ng proyektong dumarating sa kanila. Ito’y sinimulan ni Coco sa kanyang 7-year-old record-breaking primetime action-drama series, ang “FPJ’s Ang Probinsyano” na kanyang ipinagpapatuloy sa kanyang “FPJ’s Batang Quiapo”.

During the grand presscon, kulang na lamang na matunaw si Coco sa mga papuri sa kanya ng kanyang mga kasamahan sa “FPJ’s Batang Quiapo” bilang co-actor, director at co-producer ng serye.

“He is so passionate sa kanyang trabaho,” paglalarawan ng award-winning actress at dating host ng “MMK” na si Charo Santos-Concio na siyang gumaganap bilang lola ng actor-director sa serye na si Lola Tindeng, ang ever supportive lola ni Tanggol played by Coco.

Sa kabila ng superstar status ni Coco, napaka-grounded pa rin nito at respectful sa kanyang mga co workers.

Samantala, simula ngayong Lunes, May 8 sa pagpasok ng ikalawang season ng “FPJ’s Batang Quiapo” ay maraming malalaki at mabibigat na mga eksena ang mapapanood sa top action-drama series na kinunan pa mismo sa Binondo, Manila.

PBBM kabilang sa dadalong heads of states sa koronasyon ni King Charles III

KingKing1King2King3King4TAONG 1953 nang koronahan ang namayapang Queen Elizabeth II, ina ni Prince Charles III, the longest monarch na sumakabilang buhay nung September 8, 2022.

It took 70 years bago nasundan ang coronation ni Queen Elizabeth II at sa araw na ito ng Sabado, May 6 bago magtanghali ay kokoronahan ang anak nitong si Prince Charless III sa Westminster Abbey na pamamahalaan ng Archbishop of Canterbury na si Justin Welby.

As early as Wednesday this week kung saan nagkaroon ng rehearsals ang magpa-participate sa procession mula Buckingham Palace patungong Westminster Abbey pabalik ng palasyo, marami na ang nagkampo sa iba’t ibang lugar na daraanan ng procession na pangungunahan mismo nina Prince Charles III at Queen Consort na si Camilla.

Bukod sa mga Briton, nakihalo na rin ang mga kababayan nating mga Filipino naka-base in London at sa buong United Kingdom para masaksihan nila ang historical coronation ni King Charles III.

Kasama sa mga special VIP guests ang Presidente ng Pilipinas na si Pres. Ferdinand `Bong-Bong’ Marcos, Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa mga dadalo sa coronation ni King Charles III maging ang iba pang head of states and royals from different countries.

Hindi makakadalo si U.S. President Joe Biden but he is represented by U.S. First Lady na si Jill Biden.

Although nasa London na rin ang second and youngest son ni King Charles III na si Prince Harry, tila low key ang participation nito sa koronasyon ng kanyang ama.

Hindi kasama ni Prince Harry ang kanyang wife na si Meghan Markle, Duchess of Sussex maging ang kanilang dalawang anak na sina Archie at Lilibet. Fourth birthday rin ngayon ni Archie, ng panganay ng mag-asawang Prince Harry at Meghan. Ang mag-iina ni Prince Harry ay naiwan sa kanilang Montecito mansion in California, USA.

Nicco walang limitasyon sa paghuhubad

ITALIAN model-actor Nico Locco has been in the Philippines for six years now kaya magaling na itong magsalita ng Tagalog.

Before doing sexy movies for Vivamax na ang pinakabago ay ang “Sandwich” na siyang directorial debut ni Direk Jao Elamparo na isa ring mahusay na cinematographer at editor, si Nico ay nakapag-guest sa maraming program ng GMA tulad ng “Tadhana,” “Daddy’s Gurl,” “Victor Magtanggol,” “Prima Donnas,” at iba pa.

Very confident si Nico when it comes to doing sexy scenes at wala umano siyang limitasyon as long as mahalaga ito sa eksena at kuwento ng pelikula.

Sa pelikulang “Sandwich” na palabas na on Vivamax streaming app on May 19 ay kasama niya sa movie sina Kat Dovey, Andrea Garcia at ang British actor-model na si Luke Selby na palaban din pagdating sa mga sexy scenes.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE