TVJ

TVJ, palaban sa demanda ng pamilya Jalosjos!

May 5, 2023 People's Tonight 542 views

WINI-WELCOME ng “Eat Bulaga” trio nina Tito, Vic at Joey (TVJ) ang bantang pagdedemanda umano ng pamilya ni dating Cong. Romeo Jalosjos laban sa kanila.

Ito ay matapos manahimik ang kampo ng TAPE, Inc., producer ng “Eat Bulaga,” kasunod ng pagsabog ni Tito Sen sa kanyang kaliwa’t kanang interbyu.

Inakusahan ng dating senador ang TAPE, Inc. ng pagkakautang kina Vic at Joey ng mahigit P60 million.

Sinabi rin niya na may naglahong P400 million na kita mula sa political ads ang TAPE, Inc. noong nakaraang taon.

As we all know, ang pamilya Jalosjos ang nagmamay-ari ng 75 percent shares ng TAPE, Inc. Ang natitirang 25 percent ay hawak ng pinatalsik na presidenteng si Tony Tuviera.

Sa online show ng showbiz columnist na si Cristy Fermin, sinabi nito na hintayin na lamang kung saan mauuwi ang usaping ito.

Pero gaya ng nakakarami, dasal daw nila na maayos pa rin ang lahat sa pagitan ng magkabilang kampo. Ni PAUL BACON (OJT)

AUTHOR PROFILE