Alexa

Alexa, beast mode sa panlalait ng netizens

May 6, 2023 Vinia Vivar 215 views

Hindi naiwasang maging beast mode ni Alexa Ilacad habang binabasa at sinasagot ang mga toxic comment ng netizens sa Hot Summer Lahot Sexy video na inilabas ng Star Magic.

Ang titindi ng mga comment pero hindi nagpatalo si Alexa at sinagot ito lahat nang bonggang- bongga. In fairness, ang gaganda ng sagot ng aktres at kitang-kita that she’s really intelligent.

Tulad na lang sa isang comment na “nag two-piece ka pa, eh, ang taba-taba mo naman.”

Sey ni Alexa, “Nakaka-beast mode!”

Dagdag pa niya, “Oh, my God, that is so mean.”

Ayon kay Alexa hindi dapat pakialam ng ibang tao kung ano ang gusto nating isuot.

“Paki natin kung anong gustong isuot ng mga tao. That’s all. You know what I’m saying? Bakit tayo nangigialam sa suot ng ibang tao? ‘Di ba?

‘Di naman tayo ang nagpapakain sa kanila, hindi naman tayo ang bumili ng damit nila. Hindi naman ikakasira ng buhay mo kung nag-two-piece sila. So, why the violent reactions?”

Inamin din niyang isa sa talagang hindi niya nagustuhan ay ang komento na “hindi na ako magtataka kung nababastos si Alexa. She deserves it because she’s asking for it kasi lagi siyang naka-swimsuit.”

Simulang reaksyon ni Alexa, “’Yung mga swimsuit ko, honestly, always one piece, wala namang kita. Kasi prefer ko ‘yun.”

Kaya nang mabasa niya ang komentong ‘yun, talagang umusok siya sa galit.

“I was mad. I was fuming mad like alam mo ‘yung cartoons na lumalabas sa ears ‘yung hangin at sa nostrils? Ganu’n ‘yung naramdaman ko.

“Kasi napaka-toxic, napaka-shallow nu’ng ganu’ng thinking. And siya ‘yung bastos! TBH (to be honest)! ‘Di ba, wala sa pananamit ‘yung dahilan? Hindi ‘yun dahilan kung bakit nababastos ang mga tao, mga babae,” sabi ni Alexa.

Patuloy niya, “Kaya nababastos ang mga babae, kasi may bastos. ‘Yun lang ‘yun. Damit lang ‘yun.”

Para sabihing deserved niya ang mabastos dahil sa kanyang suot, grabe naman daw.

“Hindi naturuan ng tama. Kailangan niya si Lord. ‘Yun lang,” aniya.

At the end of the video ay nahingan si Alexa ng mensahe para sa lahat.

“Please be kinder. Please. The world needs it. Sabi nga ni Ariana Grande, masyado na tayong comfortable commenting about someone else’s body, talking about other people’s bodies, and what we want to see in other bodies, how we think it should look like, things we want to project on other people.

“So, I pray for us to just be kinder, gentler and to also remember that not everything you see on social media is real, not everything is attainable, and totoo ‘yung sinasabi nila that every body is different,” mensahe ni Alexa.

AUTHOR PROFILE