Alden

Alden, Korina, KZ at JK, mas pinakinang ang Brilliant Awards 2023

December 29, 2023 Ian F. Fariñas 276 views

BrillantBrillant1Makinang ang pagtatapos ng taon dala ng Brilliant Skin Inc., isa sa mga nangungunang beauty at cosmetic brands sa bansa, sa Brilliant Awards 2023: Brightest of All Time. Ginanap ito noong Disyembre 21 sa Newport Performing Arts Theater at dinaluhan ng mga franchisee at distributor mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa na suot ang kanilang makikinang na gown na pawang kulay rosas.

Ang TikTok comedienne at content creator na si Queen Dura ang nagsilbing anchor sa pink carpet ng isa sa tinatayang pinakamalaking kaganapan ng Brilliant Skin Essentials ngayong 2023.

Ang programa ay binuksan ng A-Team, 4th Impact at Brilliant Skin ambassador na si Andrea Brilliantes, na nagpakitang-gilas sa pagsasayaw bago sinundan ng opening speech ni Brilliant Skin CEO, Glenda dela Cruz.

Nagpasalamat si Ms. Glenda sa lahat ng Brilliants, tawag niya sa mga tagasuporta, franchisee at distributor.

Binanggit niya ang tagumpay ng Pinakamakinang: The Brilliant Concert 2023, ang paglulunsad ng TikTok Live Philippines sa Malaysia, kung saan pinangalanan siya bilang unang Filipina ambassador ng TikTok Shop Philippines.

Ipinakilala rin sina Luis Manzano at Mariel Rodriguez bilang hosts ng event.

Si Daniel Matsunaga naman ang nagtawag ng mga unang pinarangalan, kabilang ang Live Streamer Award, Digital Market Place Trailblazer, E-Commerce Excellence Award, Rising Star in Outstanding Achievement, Exceptional Leadership in Network Growth at Team Player Extraordinaire.

Ang mga awardee ay mula sa iba’t ibang distrito, lungsod, probinsya at rehiyonal na distributor.

Nagpakitang-gilas si Kean Cipriano kasama ang kanyang banda, na sinundan ng unang raffle draw kung saan 10 ang nanalo ng P5,000 cash at 10 din ang nag-uwi ng Lenovo Chromebooks. Lima naman ang nanalo ng iPhone SE.

Nasa Brilliant Awards din ang batikang broadcast journalist na si Korina Sanchez, na nagkwento tungkol sa pagsisimula ni Ms. Glenda ng Brilliant Skin na ngayon ay isa na sa mga pinagkakatiwalaang beauty brand sa bansa.

Ibinahagi rin ni Korina kung paano sila naging magka-partner bago nagka-pandemya at kung paano niya hinahangaan ang kabaitan, pagiging bukas at pagiging masipag ni Ms. Glenda sa pagpapalago ng negosyo kasama ang mga kasosyo na naniniwala sa Brilliant Skin Essentials.

Inawit naman ni Juan Karlos ang mga kantang Buwan at Ere, na sinundan ng mga parangal para sa Top Sales Achievers mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Nagpaunlak din si Jackie Gonzaga ng sayaw, na sinundan ng pagkanta at pagsasayaw mula kay Kyle Echarri. Hinarana rin nina Jason Dy at Paulo Avelino ang mga Brilliant sa kanilang song performances.

Ang highlight ng gabi ay ang pagbibigay ng parangal sa Top Regional Franchisees ni Ms. Glenda kasama ang bagong mukha ng Brilliant Skin Essentials na si Alden Richards.

Ipinakilala rin si Shen Garcia bilang chief operating officer ng Brilliant Skin Essentials at nagpatuloy ang grand raffle draw na nagbigay ng dalawang P50,000 cash prizes. Dalawa rin ang nanalo ng iPhone 15 Pro Mac, Yamaha NMax mototrcycle at isang grand winner ng MG AJV Car.

Nagtapos ang gabi sa isang performance mula kay KZ Tandingan.

AUTHOR PROFILE