Andrea Larawan mula sa IG/@blythe

Andrea pinakamagandang Pinay sa 2023 — TC Candler

December 29, 2023 People's Tonight 272 views

PASOK ang limang Pinay celebrities sa listahan ng “The 100 Most Beautiful Faces of 2023” mula sa TC Candler na siyang tahanan ng Annual Independent Critics ng nasabing pagkilala.

Hinirang ang ‘Senior High’ actress na si Andrea Brillantes bilang top 16 sa nasabing listahan kung saan siya ang pinaka mataas na puwesto sa lahat ng Pinay na nakapasok.

Ang iba pang Pinay na napabilang sa “The 100 Most Beautiful Faces of 2023” ay sina Ivana Alawi (21st place), Liza Soberano (28th place), Janine Gutierrez (45th place), at Belle Mariano (71st place).

Samantala, ang dating miyembro ng Kpop girl group na M‍omoland na si N‍ancy Jewel McDonie naman ang hinirang bilang una sa listahan.

AUTHOR PROFILE