Heart

Heart, nakiisa sa kampanya kontra pagreregalo ng mga hayop

December 29, 2023 Vinia Vivar 141 views

Tulad ng ibang pet lovers, nakikiisa si Heart Evangelista sa campaign na huwag magregalo ng hayop sa anumang okasyon lalo na nga kapag holiday season.

“I’m really against that. Ako, hindi ko rin maintindihan, kahit ‘yung sa simpleng birthday party na merong rabbits na ipinamimigay or animals na pinamimigay.

“Kasi buhay ‘yun eh, so parang… bakit… kailangang maging choice ‘yun ng kung sino man ang kukuha na mabigyan ng magandang buhay ang aso o ang pet na ibinibigay sa kanila. So, dapat choice nila ‘yun,” sey ni Heart sa panayam ng GMA Integrated News.

“It never should be a gift. Unless matagal na talagang (gusto ng) pamilya, ng anak na magkaroon ng aso, at whether maalagaan ng bata or not, the parents would be 100% there. So yes, okay,” dagdag niya.

Paalala pa ng Kapuso Queen of Creative Collaborations, “You always have to adopt a pet for the right reasons.”

Nagbigay rin ng do’s and don’ts tips si Heart sa mga pet owner kapag sumasapit ang putukan sa pagsalubong ng Bagong Taon dahil as we all know, sensitive ang pandinig ng mga hayop at natatakot sila sa malalakas na putok.

“Usually ‘pag ganiyan, talagang mine-make sure namin they’re in a room, naglalagay din kami ng towels as much as possible sa mga butas ng pinto. We try to make the room as soundproof as possible.

“Pero the reality is hindi rin siya 100% soundproof. So as long as they are with their loved ones at mga kasama sa bahay at lagi silang pine-pet, just keep them calm, that’s the best thing we could do. But hindi dapat sila ‘yung nakatali o nakakulong sa labas,” payo ni Heart.

AUTHOR PROFILE