Yanvana

Ivana, nawindang sa milyun-milyong views ng prank video ni Marian

December 29, 2023 Jun Nardo 285 views

Yanvana1NAIYAK nang todo si Ivana Alawi nang ma-prank ni Marian Rivera sa inilabas na vlog ng huli.

Todo taray si Yan kay Ivana dahil sa handang seafood na ipapakain sa kanya at sa diumano’y pagiging late nito sa call time nila.

Eh, nang hindi mapigil ang paghagulgol ni Ivana, saka pinatigil ni Marian ang video at sinabing prank lang ang ginawa niya, huh!

At dahil katatapos lang ng birthday ng seksing vlogger/actress, may pa-cake rin si Marian para sa self-confessed fan niya.

Maging si Ivana, nawindang sa lakas ng vlog na naka-nine million views sa loob lamang ng isang araw.

Kasabwat ng Kapuso Primetime Queen sa pangpa-prank kay Ivana ang nakababatang kapatid nito na si Mona.

AUTHOR PROFILE