Herlene Larawan mula sa IG/@herlene_budol

Herlene kakanta ng ‘kain tayo’

December 29, 2023 People's Tonight 223 views

MAGLALABAS ng panibagong single ang beauty queen at comedienne-actress na si Herlene “Hipon” Budol.

Sa kanyang social media account, inanunsyo ng ‘Magandang Dilag’ actress ang kanyang paglalabas ng bagong kanta.

“Abangan ang bagong [s]ingle na ilalabas ko sa 2024 – ‘KAIN TAYO,'” sey ni Herlene.

Ibinahagi rin ng beauty queen at comedienne-actress na sumasalang na siya sa voice lessons.

“Masaya pala ang Musika. Yung may assesment ng coach ko si @kimusikero ng Jazz, Pop, Ballad, Blues, Rock, Hip hop, Classical, Electro, New age, Reggae atbp,” saad ni Hipon Girl.

Nagpasalamat din siya sa dati niyang manager na si Wilbert Tolentino sa patuloy na suporta nito sa kanya.

“Thank you Mima ko @sirwil75. Yung [kahit] [hindi] na [siya] manager ko pero andyan parin [siya] thru thick & thin at pinupush nya ako mag voice lesson,” pahayag ni Herlene.

Matatandaang kamakailan lamang ay nadawit ang pangalan ng ‘Magandang Dilag’ actress matapos kumalat ang private conversations nila ni Rob sa social media.

Naging usap-usapan ang laman ng palitan nila ng mensahe na mayroon umanong nangyari sa dalawa.

Dito rin nag-ugat ang mga linyang ibinabato ng netizens kay Herlene na naglalaman ng salitang “kain.”

Todo-tanggi naman si Herlene at gawa-gawa lamang daw ang pagkakasangkot niya sa nasabing isyu kasama ang Kapuso starlet.

“Showbiz nga talaga! Pag dedicated ka sa trabaho gagawan ka ng issue! Dati asa #wowowin gumawa ng issue na buntis daw ako. Ngayon naman sa #MagandangDilag may issue uli na buntis ako uli? Ano susunod? Sa #BlackRider mabubuntis ako uli?” saad ng actress-comedienne sa isang X post.

AUTHOR PROFILE