Posas

2 suspek sa krimen tiklo sa Maynila

November 17, 2023 Jonjon Reyes 149 views

DALAWANG lalaki na may magkaibang kaso ang nahuli ng mga miyembro ng District Special Operation Unit (DSOU) at District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District sa Zamora St. at Camia St. sa Sta.Mesa, Maynila noong Huwebes.

Unang natimbog ng mga operatiba ng DSOU ang 35-anyos na rider na si alyas Chris bandang alas-12:50 ng hapon sa Zamora St., Paco.

Ayon kay Police Major Edward Samonte, hepe ng DSOU, natunton ang binata sa bahay niya sa pangunguna ni Police Major Dave Garcia, deputy chief ng DSOU, kasama si Police Captain Edgar Julian.

Wanted si Chris dahil sa qualified theft, ayon sa mga pulis.

Inaresto naman dahil sa kasong Violence Against Women and Their Children si alyas Rafael noong Huwebes sa Camia St., Barangay 598, Zone 59, Sta. Mesa, Maynila.

Base sa report ni Police Major Jervies Soriano, hepe ng DPIOU, bandang ala-1:40 ng hapon nang arestuhin ng kanyang mga tauhan si alyas Rafael.

AUTHOR PROFILE