Bigti

Beki nagbigti sa selos

November 17, 2023 Jonjon Reyes 224 views

PINANINIWALAANG selos ang dahilan kung bakit nagbigti ang isang 25-anyos na beki sa inuupahan niyang kwarto sa Barangay 101, Vitas Katuparan, Tondo, Manila noong Biyernes.

Sa paniniwala ng mga imbestigador, hindi na nakayanan ng beki ang selos na nararamdaman sa kanyang kinakasama ng tatlong taon kaya nagawa nitong magbigti.

Nakilala ang biktima sa pangalang Omer.

Base sa report ni Det. Gary Reyes kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-9:30 ng umaga nang madiskubreng patay na ang biktima.

Ayon sa salaysay ng kinakasama ng biktima, tinatawagan niya sa messenger ang biktima dahil tanghali na at kailangan pang magtrabaho sa Bulacan.

Nang hindi sumasagot, tinawagan na niya ang mga magulang ni Omer para puntahan ang kanilang anak.

Pero hindi na siya mapakali kaya naisipan niyang lumuwas ng Maynila at doon na tumambad ang biktima na wala ng buhay.

AUTHOR PROFILE