Xian

Xian: Love teaches you pain

March 23, 2024 Vinia Vivar 54 views

Ayaw nang balikan ni Xian Lim ang controversies at pain na kanyang pinagdaanan.

Sa guesting nila ni Jennylyn Mercado sa show ni Boy Abunda ay natanong sila kung ano ang mga gusto at ayaw nilang balikan in the past.

Ayon sa aktor, gusto niyang balikan noong panahong nag-audition siya sa ABS-CBN para maging artista dahil hindi niya masyadong alam ang kanyang ginagawa noon.

Pagdating naman sa ayaw niyang balikan, sey ni Xi, “I have my own shares of controversies and it’s a learning process, you know, I don’t know what’s happening, so maybe ‘yon, ‘yung mga ganu’n, hindi ko siya babalikan because it’s a very painful time and you know, it takes a lot of maturity and takes a lot out of you. So, hindi ko babalikan ‘yun.”

Ibinahagi rin ng aktor na ang pinakamalaking natutunan niya sa pag-ibig ay ang masaktan.

“Ano ang natuturo ng love? I think, it teaches you pain. Love is very painful and it’s also a very magical feeling. I think that’s what love does to you,” aniya.

“But at a certain point, love disappears and I think doon na magiging choice ang pagmamahalan. You choose to stay together and you choose to fight for each other no matter what it is,” he added.

Pero nagpapasalamat siya na nalampasan niya ang mga pagsubok and most of all, thankful siya na kasama niya pa rin niya ang kanyang pamilya.

“My lola and my mom and my lolo are healthy and I live with them, and wala, ‘yun ‘yung… that’s something that… kaya ako nagtatrabaho, kaya ako nagpupuyat, it’s all because of them. Sila muna before ako,” pahayag ni Xian.

AUTHOR PROFILE