Carla

Carla walang pakialam sa bagong lovelife ni Tom

March 23, 2024 Eugene E. Asis 65 views

NOONG isang buwan, inamin ni Tom Rodriguez na may bago nang nagpapatibok ng kanyang puso.

Naka-move on na raw siya 100% sa dating misis na si Carla Abellana.

At handa na raw siya kung sakaling magkita sila dahil iisa lang naman ang mundong kanilang ginagalawan.

Pero ganito rin ang pahayag ni Carla: wala naman daw siyang magagawa kung sakaling magkita sila. Bagama’t hindi pa niya alam kung paano siya magri-react, ang alam niya’y hindi maiiwasan na magkita silang muli.

Sa report ni Aubrey Carampel sa “24 Oras” tinanong ng reporter si Carla tungkol sa pag-amin ni Tom na meron na siyang bagong lovelife.

Walang gatol niya itong sinagot. “I don’t see the need to comment or even react. Parang it’s not any of my concern anymore, parang gano’n. Kumbaga I am aware naman na nakabalik na s’ya.”

Tungkol naman sa muling pagkikita, ani Carla: “Kung dahil sa trabaho, prepared naman ako. Nasabi ko naman na ‘yun na kung mag-krus ang landas namin, whether sa studio or what, guesting kung ano man ‘yan, prepared naman ako for that. Pero you know, I’ll just be myself. I’ll let him be.”

AUTHOR PROFILE