Carla Abellana

Carla walang reaksyon sa bagong pag-ibig ni Tom

March 23, 2024 Vinia Vivar 72 views

NR o ‘no reaction’ si Carla Abellana sa napapabalitang bagong pag-ibig ng ex-husband na si Tom Rodriguez.

“I don’t see the need to comment or to even react,” sey ng aktres sa panayam sa “24 Oras.” “Parang it’s not any of my concern anymore, parang ganu’n.”

Aware naman siya na naririto na ulit sa bansa si Tom at bukas sa posibilidad na makatrabaho o makita niya itong muli.

“Kung dahil sa trabaho, prepared naman ako. Nasabi ko naman na ‘yun. Na kung mag-krus ang landas namin whether sa studio or what, guesting, kung anuman ‘yan, prepared naman ako for that.

“Pero, you know, I’ll just be myself, I’ll let him be,” sabi ni Carla.

Kung si Tom ay may bago nang pag-ibig, hindi inaalis ng aktres ang posibilidad na magmahal muli.

Naniniwala pa rin siya sa love pero inamin din niyang nag-iba na ang pananaw niya when it comes to marriage.

“Aminin ko po ang daming nag-change ‘yung mga perspective ko po, especially with marriage. ‘Yun po ang medyo nag-iba po ang aking pananaw or paningin pagdating sa marriage. I really… honestly, I don’t see myself getting married again. Nag-iba po, eh, nabulabog ang aking concept,” she said.

AUTHOR PROFILE