Kim1

Kim naka-move on na, handang makatrabaho uli si Xian

March 23, 2024 Eugene E. Asis 77 views

HANGGANG ngayon, wala pa ring malinaw na dahilan kung bakit nag-break sina Kim Chiu at Xian Lim. In-announce nila ito noong Disyembre nung isang taon.

Tila natatabunan na ito ng mga balita tungkol sa aktres at sa kanyang current leading man na si Paulo Avelino.

Isa si Kim sa mga host ng “It’s Showtime” na mapapanood na sa GMA7 simula April 6.

At dahil Kapuso actor si Xian, may posibilidad na magkitang muli sila ni Kim, o di kaya’y magkasama sa trabaho.

Nang tanungin si Kim tungkol dito, kaagad pero halatang may pag-aalinlangan ang sagot niya:

“Okay lang naman. Mag-guest s’ya sa ‘Showtime’ or mag-prod s’ya or something. Okay naman, ‘di naman kami magkaaway or something.”

Tungkol naman sa bagong lovelife, ani Kim:

“Open naman ‘yung heart ko. For now, I enjoy muna my time being myself.” Aniya, abala siya ngayon sa trabaho at “bonus na siguro kung may kumakalabit d’yan na love.” Well, paramdam ba ito na totohanan na ang tungkol sa kanila ni Paulo Avelino na kamakailan lamang ay pinakilig ang audience nang biglaan itong dumalaw sa set ng ‘It’s Showtime’?

AUTHOR PROFILE