SGRV

Regine itinuturing na legacy si Nate

March 23, 2024 Vinia Vivar 61 views

Hindi napigilang maging sentimental ni Regine Velasquez-Alcasid sa parangal na natanggap sa first Billboard Philippines Women in Music Awards last Friday.

Tinanggap niya ang Powerhouse Award for her exceptional talent and influence sa Philippine music scene. Prinesent ‘yon ng mister niyang si Ogie Alcasid.

Sa kanyang acceptance speech ay sinabi ni Regine ang mga kailangang pagdaanan ng female singers.

“I have to say being in this industry getting older is a challenge, especially for women,” aniya.

“First of all, mahirap sa aming mga kababaihan dahil may mga hormones kaming… syet (tawanan).

“We have to deal with those things and it changes our voices, it changes our appearance. You know, ang dami-dami naming kailangan harapin,” patuloy niya.

Binanggit din ni Regine ang mga pagbabagong naranasan sa pagtanggap sa kanya ng mga tao.

“Pero sa industriyang ito, mahirap ‘pag tumatanda ka na sa industry. Nakikita mo na nagbabago na ang lahat. ‘Yung dating ikaw ‘yung sinisigawan, ikaw ‘yung nagkakaroon ng hit, mararamdaman mo ‘yung unti-unti na hindi na ikaw,” she said.

“But for me, it’s fine. Parati ‘pag may nagtatanong kung ano ‘yung legacy na iiwan ko sa industriyang ito, parang feeling ko wala,” aniya.

Kinontra ito ng audience at nagsigawan silang “meron!”

Patuloy ng Songbird, “Sa akin po kasi hindi po masyadong importante kung meron po akong maiwan o wala. I know na makakalimutan ako kasi ganu’n ‘yun and it’s fine. It’s fine with me because ganu’n po talaga ang panahon, ganu’n po talaga ang industriya. And it’s not your fault. It’s just what it is.

“Siyempre binibigay natin ang entablado sa mga susunod na henerasyon, mga singers at songwriters.”

Ayon kay Regine, ang legacy niyang maituturing ay ang kanyang anak na si Nate.

“Pero para po sa akin, ang akin pong legacy ay ang aking anak because people will forget about me, will forget about my voice and what I’ve done in the industry, but my son will always remember me. So my son is my legacy,” emosyonal na wika niya.

Of course, hindi nakalimutan ni Regine na pasalamatan ang mga taong nakatulong sa kanya sa music industry sa pangunguna ng yumaong amang si Tatay Gerry at ang kanyang pamilya.

AUTHOR PROFILE