SG88

BILIN NG MGA MAGULANG KAY SARAH: MAHALIN MO ANG SARILI MO

March 23, 2024 Vinia Vivar 66 views

Matapos tanggapin ang historical recognition bilang kauna-unahang Filipina na tumanggap ng Global Force Award sa Billboard Women in Music Awards in California earlier this month, muling tumanggap ng parangal si Sarah Geronimo.

Hinirang siya bilang kauna-unahang Woman of the Year sa first Billboard Philippines Women in Music Awards. Ang asawa niyang si Matteo Guidicelli ang nag-present ng award.

Sa kanyang acceptance speech ay labis-labis ang pasasalamat ng Popstar Royalty sa Billboard for giving her another award.

Aniya, “Thank you, Billboard for inspiring us, artists, to stay passionate about our craft, for inspiring us to create more original Filipino music. Totoo po ‘yan. Iba po ‘yung motivation na ibinigay ninyo sa akin.

“Thank you for celebrating women and for empowering us and reminding us of how beautiful, strong and capable we are to make meaningful changes in our society and in all aspects of life,” patuloy niya.

Muli ay hindi nakalimutang i-acknowledge ni Sarah ang kanyang magulang sa mga nagawa ng mga ito sa kanyang buhay at sa mga pangaral at payong ibinigay sa kanya.

“Don’t give up, believe in yourself, mahalin mo ang sarili mo. ‘Yan ang na-instill sa akin ng aking mga magulang bago po ako pinalad na manalo bilang grand champion sa Star for a Night,” aniya.

Sa dulo ng kanyang speech, Sarah said, “Lord, thank you very much, sa akin pong mga magulang, mahal na mahal ko kayo, to my husband, thank you love, Miss Regs, thank you, Popsters thank you, Billboard, maraming salamat, Boss Vic (del Rosario, her manager), thank you!”

AUTHOR PROFILE