Tiktok1

TIKTOK STAR OF THE DAY

April 27, 2024 People's Tonight 105 views

TiktokTiktok2Tiktok3Tiktok4Tiktok5SA mundo kung saan ay mas nakikilala ang may balingkinitang katawan, hindi siya nagpaiwan. Pinatunayan niyang mas mabigat ay mas angat at mas pakak.

Sa kanyang TikTok account, masasaksihan ang talento niya sa mga mini-dance covers at dub videos. Ngunit ang talagang nakapagpabilib sa kanyang mga tagahanga ay ang kanyang paninindigan laban sa stereotypes, partikular sa paniniwala na kailangan kang maging payat upang makapag-suot ng mga bikini.

Dahil sa kanyang advocacy na ito, maraming netizens ang nagkaroon ng lakas ng loob na ipakita ang kanilang katawan, lalo na sa beach. Sa pamamagitan ng kanyang platform, pinapakita ng TikTok star na ito ang kahalagahan ng self-love at self-acceptance, na nagbibigay inspirasyon at lakas ng loob sa iba na magmahal at tanggapin ang kanilang sarili, anuman ang hugis o laki ng kanilang katawan.

Siya ay si Maria Gabhriela De Leon, nakilala sa kanyang username na @gabhdeleonofficial. Ang content creator na ito ay talaga namang puno ng talento sa katawan. Mula sa dancing, dubbing, hanggang sa self-care (make up, OOTDs video, at iba pa), tagala namang namamangha ang netizens sa kanya.

AUTHOR PROFILE