Janine Larawan mula sa IG/Janine Gutierrez

Classic na sexy

May 9, 2024 People's Tonight 75 views

TINAWAG na “classic” ng ilang netizens ang alindog ng award-winning actress na si Janine Gutierrez mula sa mga larawang kanyang ibinahagi.

Ilang promotional pictures para sa isang brand ang ibinida ng ‘Dirty Linen’ actress sa kanyang Instagram page.

Habang nasa kama, fierce na fierce sa suot niyang two-piece swimwear si Janine.

Walang kakupas-kupas ang ganda ng aktres. Kaya niyang makipagtapatan sa mga Hollywood stars na ikinumpara pa nga ng kanyang fans sa ilang mga kilalang pangalan.

Hindi rin nagdamot si Janine na pabakatin ang perpekto niyang kurba. Halatang sagana sa gym ang aktres at ang ebidensya nito ay ang kanyang magandang hubog.

Maging ang kanyang legs ay nakakasilaw sa kakinisan kaya tiyak maloloka ang mga kelot kapag nasilayan na ang mga ito.

Napa-wow naman ang netizens kaya pinusuan at binaha nila ng kanilang reaksyon ang mga larawan ni Janine.

Narito ang ilang komentong mababasa sa post: “Anne hathaway, tabi. You’re so gorgeous mami!”, “Ay grabe siya”, “Hollywood star!”, “She looks like a hollywood actress”, “Ahh kaya pala biglang uminit sa amin dito kanina”, “Sarap… nakaka L ka naman Janine”, at “Ginalingan naman masyado.”

AUTHOR PROFILE