Kim Larawan mula sa IG/Kim Chiu

‘Bikini Barbie’ nag-beach

April 27, 2024 People's Tonight 82 views

SEXY Barbie doll ang atake ng TV host-actress na si Kim Chiu sa nagsusumigaw na pink bikini nito.

Sa Instagram page ng ‘What’s Wrong With Secretary Kim?’ actress, ibinida niya ang ilang larawan nang magtungo sa beach habang ine-enjoy ang summer.

Nakakatagaktak ng pawis ang pagbubuyangyang ni Kim ng kanyang toned na katawan.

Talagang manlalaki ang mga mata ng mga nasa opposite sex sa tamang timplang pigura ni Chinita Princess.

Tila isang manika sa kakinisan ang balat ng ‘It’s Showtime’ host.

Talaga namang kahit na sinong kelot ay tatangkaing magpakilala bilang “Ken” para lang makuha ang atensyon ng “Barbie” na si Kim.

Hindi nga napigilan ng netizens na ikumpara sa Barbie doll ang awra ng TV host-actress. Pinusuan nila ang perfect sa tag-init na mga larawan ni Kim.

AUTHOR PROFILE