Jenn Larawan mula sa IG/Jenn Rosa

Jenn gustong ‘gatasan’

March 23, 2024 People's Tonight 147 views

MULING ipinamalas ng Vivamax actress na si Jenn Rosa ang sumirit na katas ng kanyang sex appeal sa mga barako ng social media.

Sa ibinalandra nitong hubad na katawan, sigaw sa kanya ng mga kalalakihan: bet ka naming gatasan!

Naloka ang mga netizens sa mga bagong larawang ibinahagi ng sexy star sa kanyang Instagram page.

Makikita sa mga larawan na literal na walang suot na kahit anong saplot si Jenn. Apaw na apaw ang kanyang karisma at malinaw na malinaw ang taglay niyang kakinisan.

Pinapurihan nga ang hot actress dahil bukod sa mga larawan, buong-tapang din ang kanyang pagganap sa mga pelikula nito dahil kering-keri raw ni Jenn ipakita at ibigay ang lahat.

Ang nasabing mga larawan ay para i-promote ang bagong proyekto niyang papalabas.

Tampok si Jenn sa newest Vivamax original film na pinamagatang “TL” sa direksyon ni Jay Castillo.

“Kilalanin si BRENDA ang top call center agent ng VMX!!” sey ni Jenn sa caption ng kanyang post.

Bukod sa mga bagong proyekto, nakilala si Jenn sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Hibang (2023), Araro (2023) at Bisyo! (2023).

AUTHOR PROFILE