Sarah

B-day message ni Sarah Lahbati sa anak: Mommy will always be by your side

March 23, 2024 People's Tonight 72 views

I’M so lucky to be your mom, Kai.” Iyan ang panimulang mensahe ng aktres na si Sarah Lahbati para sa kaarawan ng kanyang anak.

Sa isang Instagram post, nag-alay ng sweet na mensahe si Sarah kalakip ang iba’t ibang larawan na magkasama sila ng anak niya.

Aniya, “Your smile is the most contagious blessing in the world. no words can express how much i love you and zion. six years… of joy. happy birthday, bubba.”

“Momma will forever and always be by your side,” dagdag pa ng aktres.

Ilang kilalang personalidad din ang bumati sa anak nito, kabilang na sina Chienna Filomeno, Sofia Andres, Kyline Alcantara, Bela Padilla, Marian Rivera, at iba pa.

Matatandaan naman nitong Marso 1, kinumpirma ni Sarah na hiwalay na sila ng asawa nitong si Richard Gutierrez.

AUTHOR PROFILE