Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

March 24, 2024 People's Tonight 143 views

Tiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok4ANONG kulay ng dagat?” Iyan ang pabirong linya ng netizens sa kapwa nila tagahanga sa tuwing nagpo-post ng bikini outfits ang TikTok star na ito. Nakilala siya sa ganda ng hubog ng katawan at gayundin sa gandang palaban.

Sa kanyang TikTok account, tampok ang mga travel videos niya. Mula sa ilalim ng dagat mapatuktok ng kabundukan, followers niya sa kanyang mga bagong post ay tiyak na nakaabang.

Budol din siya sa mga kelot at bebot dahil sa mga ipinapakita niya sa kanyang mga video ang mga “budol finds,” lalo na ang mga produkto na kanyang personal na ginagamit, tulad na lamang ng vape.

Kaya naman kung gusto mo rin malunod sa kanyang kalinga, kilalanin mo pa lalo si Angellee Nazairene sa pamamagitan ng pagbisita sa kanyang TikTok account na @urfaveee_pisces, at maging isa sa lumulobong followers niya.

AUTHOR PROFILE