Wanted

‘Wanted Girlfriend’ at ‘Red Flag’ mas paiinitin ang summer sa Vivamax

April 19, 2024 Ian F. Fariñas 399 views

RedflagPaano mo malalaman ang pagkakaiba ng pag-ibig at pagnanasa?

Mas mag-iinit pa ang summer sa tanong na iyan sa Wanted: Girlfriend, ang bagong sexy movie mula sa Vivamax sa ilalim ng direksyon ni Rember Gelera. Sa Wanted: Girlfriend, sina Athena (Shiena Yu) at Keo (Yuki Sakamoto) ay ilang taon nang magkarelasyon.

Tuwing magkasama sila, agad nagiging mainit at mapusok ang kanilang relasyon na madalas ay sinisimulan ni Keo.

Nag-aalala si Athena at napapaisip kung tunay ba ang nararamdaman ni Keo sa kanya, o isa lamang sexual relationship ang tingin nito sa kanila.

Dahil dito, igu-ghost ni Athena si Keo.

Labis namang masasaktan si Keo at hahanapin si Athena. Ipu-post pa niya sa social media ang pakiusap na bumalik si Athena, pero walang mangyayari.

Pagkatapos ng isang taon, gusto na ni Keo na magkaroon ng bagong girlfriend. Makikilala niya si Anj (Reina Castillo), isang babae na babago sa kanyang buhay.

Sa wakas ay nagsisimula nang mag-move on si Keo kasama ang bagong girlfriend nang muli silang pagtatagpuin ng tadhana ni Athena.

Muling mai-in love si Athena kay Keo, na ngayon ay mas mature na. Pero, tila hindi na pareho ang nararamdaman ni Keo para sa kanya.

Si Athena na ngayon ang may matinding kagustuhan na muling mapasakanya si Keo kaya gagawin niya ang lahat para ma-achieve ito.

Hanggang saan hahantong si Athena para muling mapaibig si Keo? Hindi na ba talaga mahal ni Keo si Athena?

Alamin kung ano ang mangyayari kapag pinagliyab ng nakaraan ang kasalukuyan sa Wanted: Girlfriend na streaming na sa Vivamax.

Ang isa pang dapat abangan ngayong April ay ang sexy-drama Vivamax Original Movie kung saan bida sina Micaela Raz, Mon Mendoza, Joana David at Mhack Morales.

Kwento ito ng isang dalaga na labis kung magmahal pero madalas ay iniiwanan at makakatagpo ng lalaking gusto niyang makasama na pangmatagalan.

Ito na kaya ang lalaki na para sa kanya? O red flag din siya tulad ng iba?

Abangan ang Red Flag exclusively sa Vivamax simula April 26.

Kilalanin si Gina (Micaella), isang maganda at nakakaakit na dalaga. Ilang buwan na siyang brokenhearted matapos mahuli ang ex-boyfriend na nagtataksil sa kanya.

Pero kahit ganoon ang sinapit, naniniwala pa rin si Gina sa pag-ibig at umaasa na balang araw ay makakatagpo siya ng lalaking tatrato sa kanya nang tama.

Makikilala ni Gina ang newly-hired na si Red (Mon), gwapo at malakas ang appeal. Agad na magkakagustuhan at magsisimulang mag-date ang dalawa.

Ang mga kaibigan ni Gina, pati na ang best friend niyang si Lance (Mhack) na matagal nang may gusto sa kanya, ay tutol sa bago niyang relasyon.

Usap-usapan kasi na si Red, tulad ng pangalan niya, ay isang red flag. Kilala ito bilang playboy at ginagamit ang sex para magkaroon ng maraming sales at kliyente sa trabaho.

Pero hindi paniniwalaan ni Gina ang mga bintang kay Red dahil nakita niya ang mabuti nitong pagkatao na maalaga, masipag at mapagmahal sa pamilya.

Nagbago na nga kaya si Red at naging better man para kay Gina? Tama bang buong puso na pagkatiwalaan ni Gina si Red o papaasahin lang din siya nito sa huli?

Si Red ba ay parang kulay pula na ang ibig sabihin ay pagmamahal o si Red ay ang pula na ang ibig sabihin ay pagdurusa?

I-stream ang Red Flag sa Vivamax simula April 26.

AUTHOR PROFILE