Bianca Larawan mula sa IG/Bianca Manalo

Bianca nagpasabog ng init sa Maldives

April 19, 2024 People's Tonight 50 views

SA Maldives mas piniling labanan ng beauty queen-actress na si Bianca Manalo ang init ng panahon sa Pilipinas.

Makikita sa isa sa mga Instagram post niya ang pagbibilad ng kaseksihan ni Bianca sa kilalang summer destination sa buong mundo.

Sa mga larawang ibinahagi, malinaw na makikita ang ganda ng tubig ng nasabing lugar at ang famous water villas nito.

“In the heat of summer sunshine,” sey ni Bianca sa caption ng kanyang post.

Nagpasabog ng init si Bianca nang sampalin ng sinag ng araw ang kanyang sexy body habang suot-suot ang two-piece bikini.

Nambulabog ang wetpaks ng beauty queen habang inililibot niya ito sa dalampasigan ng beach.

AUTHOR PROFILE