Marco

Marco, may ‘violent’ reaction TikTok video ni Heaven

May 2, 2024 Ian F. Fariñas 165 views

NAALIW ang netizens sa reaksyong ibinigay ni Marco Gallo sa isang TikTok video ni Heaven Peralejo kung saan dineklara ng ka-loveteam na siya ay “single.”

Sa red-carpet premiere ng bagong pelikula nilang Men are from QC, Women are from Alabang, mistulang sinita ni Marco si Heaven sa sinabi nito sa naturang video.

“Single?! Excuse me?! I was surprised when I saw it, this morning I woke up and I was checking her TikTok. I saw it and I was surprised!” nakangiting sabi ng binata.

Siyempre, dumepensa naman ang aktres na nagsabing wala pa kasi si Marco noon at late ito kaya “single” siya.

Speaking of the premiere screening, talagang dinumog ng MarVen fans ang SM North EDSA para makita nang personal ang kanilang mga idolo.

Hindi nga magkamayaw ang fans sa sobrang excitement nang sabay na maglakad sa red carpet sina Marco at Heaven.

Super sweet at accommodating naman ang dalawa dahil pinagbigyan ang sinumang gustong makipag-selfie sa kanila.

Star-studded ang naganap na premiere sa pagdalo ng mga kaibigan nina Marco at Heaven tulad nina Andrea del Rosario, Phoemela Barranda, Andrew Gan, Wilbert Ross, Giselle Sanchez at marami pang iba.

Mula sa direksyon ni Gino Santos at base sa best-selling book ni Stanley Chi, kasalukuyang palabas ang Men are from QC, Women are from Alabang sa mga sinehan nationwide mula sa Viva Films.

AUTHOR PROFILE