Boy

Scam na nagdadawit kay Boy iniimbestigahan ng GMA

April 19, 2024 Vinia Vivar 46 views

Nilinaw ni Boy Abunda ang fake news na kumakalat at ginagamit ang kanyang pangalan para mag-invest sa cryptocurrency.

“Kumakalat ngayon ang isang fake article tungkol diumano, sa deleted interview ko kay Max Collins dito sa Fast Talk with Boy Abunda,” simula ni Kuya Boy.

“Ang claim ng article, nagtalo raw kami ni Max on air at dahil hindi ako makapaniwala sa kanyang biglaang pagyaman. In-explain daw ni Max sa akin na kaya siya yumaman ay dahil nag-invest siya sa cryptocurrency auto trading program or bitcoin.

“And in that fake interview, nakumbinsi raw ako ni Max kaya nag-set-up ako agad ng account on air habang the interview was happening and after 30 minutes, my supposed investment of P14,060 grew to P21,165,” patuloy ng TV host.

“Nililinaw ko po ngayon, nanay, tatay, hindi po ito totoo. This is fake. This is a big lie,” maririing pahayag ni Kuya Boy.

Lumabas umano ang nasabing article sa isang website at kasalukuyan nang pinag-aaralan ng legal team ng GMA-7 ang kanilang legal options against this scam website.

Ayon pa kay Kuya Boy, hindi ito ang unang pagkakataon na nabiktima siya ng ganitong mga scam. Inisa-isa niya ang mga lumabas na fake news about him na damay din ang iba pang mga artista na diumano ay in-interview niya.

“Lahat ito ay malaking kalokohan, lahat ito ay puro kasinungalingan, lahat po ito ay scam,” paglilinaw niyang muli.

AUTHOR PROFILE