Echo

Echo atat bumalik sa teleserye

April 19, 2024 Vinia Vivar 58 views

Excited na ang award-winning actor na si Jericho Rosales sa kanyang TV comeback kung saan bibida siya sa isang proyekto ng ABS-CBN.

Bagama’t wala pang detalye tungkol sa gagawing teleserye ni Jericho, dapat abangan ng fans ang gagampanang papel ni Jericho.

Sa panayam ng ABS-CBN News, ibinahagi ng aktor kung bakit niya tinanggap ang naturang proyekto pagkalipas ng anim na taon mula noong bumida siya sa huli niyang teleserye.

“I’m very excited sobrang tagal ko nang ‘di nakabalik dito. It’s nice to be back here sa ABS-CBN, kwento ng Kapamilya heartthrob.

“It’s a really good project. For me timing is everything. It’s the perfect project, something that is aligned sa goals ko for my career now in film, TV, and streaming. The story is good,” dagdag niya.

Bukod sa pagbabalik-teleserye, sinabi rin ni Jericho na may niluluto siyang proyekto kasama ang Star Cinema.

“I’m really happy with this energy now that I am back in front of the camera, announcing stuff that I’ve been working on,” sabi niya.

Bilang isa sa mga pinakamagagaling na leading man ng kanyang henerasyon, napamahal ang mga manonood kay Jericho dahil sa kanyang mga pinagbidahang serye tulad ng Pangako Sa’Yo, Sana’y Wala Nang Wakas, The Legal Wife at iba pa.

Huling lumabas si Jericho sa teleserye noong 2018 sa hit romantic drama na Halik.

AUTHOR PROFILE