Sunshine Larawan mula sa IG/Sunshine Cruz

Katawang dyese otso

April 19, 2024 People's Tonight 60 views

PARANG wala sa kwarenta ang edad at walang tatlong anak ang singer-actress na si Sunshine Cruz sa taglay nitong kaseksihan.

Sa isang Instagram post ng celebrity mom, ibinida niya ang kanyang makinis at toned body sa ilang mga larawan.

Maganda pa rin ang hubog ng aktres kaya naman kering-keri pa rin niya ang magsuot ng mga swimsuit.

Sa kalakip na video ng nasabing post ay makikita ring todo-rampa si Sunshine.

Walang kupas ang sex appeal ni Sunshine dahil still looking young and fresh pa rin siya at kaya pa ring makipagtalbugan sa mga bagong henerasyon ng sexy stars.

Nakakapatid pa rin ng uhaw ang taglay niyang kaseksihan lalo na para sa mga barakong bet na bet pagpantasyahan ang mga ‘MILF’ na tulad ni Sunshine.

Maging ang aktres na si Ara Mina ay napa-react sa mga larawan ng celebrity mom.

“Parang dalaga lang sis ko so sexy,” komento ni Ara kay Sunshine.

Samantala, pinusuan at inulan din ng reaksyon mula sa netizens ang nasabing larawan ng singer-actress.

Narito ang ilan nilang komento: “Grabe parang 18 years old girl!”, “Walang kupas so sexy pa rin”, “How to be you po”, “Ang hot mo miss shine”, at “Grabe parang dalaga lang! Idol.”

AUTHOR PROFILE