VM Nieto ala-Picasso sa bagong solo art exhibit
NAG-ala Pablo Picasso si Manila Vice Mayor Yul Servo Nieto ng muling maglunsad ng solo exhibit na may pamagat na “Directions IV” sa The Art District, Calvo Building sa Escolta, Maynila.
Inilarawan ni Nieto sa kanyang kakaibang paglikha ng sining ang kanyang paniwala na nakabatay ang susi sa kinabukasan sa mga nakaraan.
Bilang isang dating aktor, gumamit si Nieto ng dilaw at pulang tanso, stainless na bakal at pinturang pang-metal sa paglikna ng modernong sining na tila isang mapa na nagpapakita ng iba’t-ibang lansangan, ilog, dagat, tulay, rotunda at iba pa kung titingnan aa malayo.
Isinasalarawan sa Directions IV ni Nieto, na bukas sa publiko hanggang Marso 16, 202, ang kahulugan ng buhay sa mga tao na pamilyar na sa lugar at regular na dumadaan sa mga lansangan kahit pa kinailangan nilang umikot ng malayo.
Bahagi ng pinakatampok sa paggawa ng sining ng bise alkalde ang Maynila bilang isang metropolis at melting point na para sa lahat umuunlad ang kultura, ekonomiya, kasaysayan, kasaganahan, kapangyarihan at pagbabago.
Bilang isang alagad ng sining na gumagamit ng iba’t-ibang uri ng materyales, nakikita niya ito bilang isang uri ng pagpapalawig sa kanyang kaalaman, inspirasyon at hangarin sa buhay.
Iyon ang pang-apat na solo exhibit ni Nieto at inabuloy niya ang lahat ng kinita ng art show sa charity.