Fire

2 patay, 8 sugatan sa sunog sa Tondo

February 22, 2024 Jonjon Reyes 123 views

PATAY ang mag-ama at walo ang sugatan sa naganap na sunog sa 800 Fullon St. sa Brgy. 52, Dagupan, Tondo, Maynila noong Miyerkules.

Kinilala ang mga namatay na sina Diosdado Lasaca 66, at Jomer Lasaca, 22, isang special child.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na tumupok sa may 30 kabahayan na dahilan sa pagkawala ng tirahan ng may 100 pamilya.

Gawa sa light materials ang ilang mga kabahayan kaya mabilis na kumalat ang apoy at nasa P1.5 milyon ang halaga ng ari-arian ang napinsala.

Nagsimula ang sunog bandang ala-1:29 ng hapon at idineklarang fire under control dakong alas-2:43 ng hapon.

AUTHOR PROFILE