Default Thumbnail

United Manilenos itinatag sa Binondo

April 15, 2024 Edd Reyes 98 views

ISANG grupo, na tinatawag na United Manileños at pinipilit na hindi front ng sinumang pulitiko, ang binuo noong Linggo sa Binondo at nananawagan ng pagbabago sa Maynila.

Binuo ang grupo noong birthday ni ex-Manila 3rd District congresswoman Zenaida “Naida” Angping.

Binubuo ng senior citizens, urban poor, barangay officials, vendors na nawalan ng puwesto sa Divisoria, lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, questioning, intersex, asexual (LGBTQIA+) at kabataang barangay na nagkakaisa sa panawagan ng pagbabago ang bagong tatag na grupo.

Nilinaw nina Niño Magno, founder at chairman ng United Manileños, at Levi Bacud, vice chairman, na wala kahit isang pulitiko o kilalang personalidad ang nasa likod ng kanilang grupo.

Pero kumabig ang dalawa na papunta rin sa pagiging partido-pulitikal ang grupo at ito ang magiging daan sa hangarin nilang pagbabago.

Sinabi ni Magno na kahit bago pa lang ang grupo nila kumpiyansa sila na lalakas ang kanilang puwersa at magkakaroon ng boses para maipanawagan ang kanilang mga hinaing.

Kung mabibigyan sila ng pagkakataon, handa silang suportahan ang sinumang mapipili nilang mga kandidato na naniniwala sa kanilang hangarin para isabak sa eleksyon sa Mayo 20

AUTHOR PROFILE