BBM1

50 ektaryang Workers Rehab Center ipatatayo ni PBBM

May 1, 2024 Chona Yu 55 views

PINAMAMADALI na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kosntruksyon sa bagong Workers Rehabilitation Center.

Inanunsyo ni Pangulong Marcos ang bagong proyekto sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa Palasyo ng Malakanyang.

“As we note the accomplishments that we have made together, I am equally determined to push forward to accomplish even more for our workers,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nasa 50 ektaryang lupa ang Workers Rehabilitation Center na pag-aari ng Employees’ Compensation Commission sa Tanay, Rizal.

“This year’s Labor Day, we also mark another milestone towards the realization of the long-envisioned and awaited Workers Rehabilitation Center,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Magsisilbi aniyang sanctuary at rehabilitation ang lugar para sa mga manggagawa at mga sundalo na nasugatan habang tinutupad ang kanilang tungkulin.

“The building of this facility is a just and fitting honor to those who have sacrificed much for the progress of the nation,” pahayag ni Pangulong Marcos.

AUTHOR PROFILE