Default Thumbnail

1 huli sa theft, 2 sa droga sa Maynila

April 30, 2024 Jonjon Reyes 104 views

ARESTADO dahil sa kasong pagnanakaw ang 22-anyos na lalaki sa Herbosa St., Tondo, Maynila noong Lunes.

Nakilala ang suspek na si alyas John Ronnel ng Paraiso St., Brgy. 103, Tondo.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Ness Vargas, station commander ng Manila Police District-Delpan Police Station 12, bandang alas-11:25 ng umaga naaresto ang suspek.

Samantala, natimbog ang dalawang tulak ng ilegal na droga sa buy bust ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU)-Delpan Police Station 12 ng Manila Police District sa Gate 1, Area A, Brgy. 20, Tondo, Maynila noong Lunes.

Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Ernesto Camacho Jr., nahuli sina alyas Dennis, 59, at alyas Miguelito sa pangunguna ng mga tauhan ng SDEU noong Lunes ng madaling araw.

Narekober sa mga suspek ang may tinatayang 11 gramo ng shabu na may katumbas na P74,800.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, Article ll Section 5 at 11 o ng Comprehensive Dangerous Drug of 2020.

AUTHOR PROFILE