Troy

Troy at Aubrey, na-engage sa Bora

March 23, 2022 Jun Nardo 156 views

AFTER 18 years, engaged na sila Aubrey Miles at Troy Montero.

Ipinagmalaki ni Troy sa kanyang Instagram ang picture ng engagement nila ni Aubrey.

“Together 18 years. Engaged 8 hours… Here’s to forever with you @milesaubrey,” caption ni Troy.

Sa IG naman ni Aubrey, ang picture ng engagement ring ang ipinakita niya.

Aniya sa caption, “Woke up to this forever happiness. I’ve always known it’s him. Yesterday, I realized how exciting it is to get engaged and wearing a ring on my left hand.

“It’s too beautiful not to share this. If you know how it went down? I said ‘Thank you and YES!’ LOL pag kita ko sa ring napa thank you muna ako bago YES.”

Siyempre, yes nga ang sagot sa naganap na engagement ng dalawa sa Boracay.

May mga anak na sila Troy at Aubrey.

SHOWBIZ, WATAK-WATAK SA PULITIKA

SUPORTADO ng komedyanang si Pokwang ang kandidatura ni VP Leni Robredo. Lantaran ang suporta niya at kadalasan ay nagsusuot siya ng damit na kulay pink.

‘Yun nga lang, may hugot si Pokwang sa kanyang Twitter kahapon.

“Bakit kapag kaming mga #kakampink na artista ang nag-post ng suporta kay #LeniKiko sa IG, FB at Twitter ang daming nag mamaasim na supporter ng kabila?

“Bakit di nyo nalang suportahan ang mga kapwa artista na kaalyado nyo kesa I bash niyo kami? They need your support too!” tweet ni Pokie.

Sa totoo lang, sa showbiz, hindi rin nagkakaisa ang mga artista.

Eh, ngayong eleksiyon, kanya-kanya rin sila ng manok lalo na sa Presidente.

What more kapag may money involved, huh!

AUTHOR PROFILE