Ogie

Regine, inabsuwelto ni Ogie sa isyu ng ‘third party’ kay Michelle

March 23, 2022 Vinia Vivar 186 views

Inamin ni Regine Velasquez na nagi-guilty pa rin siya hanggang ngayon na naging third party siya sa noo’y mag-asawa pang sina Ogie Alcasid and Michelle Van Eimeren.

Naibahagi ito ni Asia’s Songbird sa isang episode ng Magandang Buhay matapos i-discuss ang ipinadalang letter ng isang “other woman” sa segment nilang Dear Momshieserye.

Ayon kay Regine ay dumaan siya sa similar situation at aminado siyang talagang napakahirap.

“Hindi ko alam kung anong nangyayari sa marriage nila at that time, I don’t know, kasi hindi naman ako kasali do’n, eh. But it happened. But I just have to say, it was so difficult,” sey ni Regine.

“And if I can bring back the time, I love my husband, but if I could bring back the time, siguro mas gugustuhin ko na wala kaming nasaktan, na walang dalawang bata na nag-suffer because we wanted to be together.”

Kahit na napatawad na siya ni Michelle, nananatili pa rin daw sa kanya ang guilt feeling.

“For a while I have to say, I have to live with that guilt forever. I was living in that guilt and my husband would say, ‘it was not about you, it was about me and Michelle,’ but even then, I was there. I was part it. I was the third party,” aniya.

“For a time, na-forgive na ako ni Michelle, na-forgive na ako ng mga tao, except me. I wasn’t forgiving myself and I’m still working on it,” dagdag pa ni Songbird na naging emosyonal na.

“Every now and then I would remember what happened to us and I’d still be guilty. So, mahirap din to be in that situation na hindi mo naman sinasadya na magmahal ng tao.

“And I’m a decent person and I do not want to hurt anyone and that’s the last thing that I would want in my life, alam mo ‘yun? But it happens,” she said.

Sa ngayon ay napatawad na raw niya ang kanyang sarili at hindi na masyadong nagi-guilty since siya na nga ngayon ang asawa at wala na siya sa labas ng marriage.

“I’m not outside anymore, I’m his family now, so tina-try kong alisin ang sarili ko do’n (sa guilt feeling),” she said.

Matatandaang na-annul ang kasal nina Ogie and Michelle noong 2007.

Nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Leila at Sarah.

Taong 2010 naman nagpakasal ang singer-songwriter kay Regine.

To date ay nananatiling magkaibigan ang ex-couple, gayundin sina Regine and Michelle.

AUTHOR PROFILE