Timmy

Timmy may pinagdaanan sa loob ng pitong taon

October 4, 2023 Aster Amoyo 341 views

Timmy1Timmy2TAONG 2016 nang ma-diagnose na may breast cancer ang popular singer-actress at successful businesswoman na si Timmy Cruz. At that time ay may ginagawa siyang serye sa bakuran ng Kapuso Network, ang “Once Again” kung saan tampok ang dating Kapuso stars na sina Aljur Abrenica at Janine Gutierrez. Dahil dito, nagpaalam siya sa ginagawa niyang serye noon para harapin ang pinakamatinding pagsubok na dumating sa kanyang buhay.

During her intimate showbiz comeback launch na ginanap sa Nautilus Bar ng Prime Hotel last Tuesday evening, October 3, hindi naiwasang maging emotional ng singer-actress at businesswoman habang ikinuwento nito ang kanyang mga pinagdaanan na dahilan ng kanyang pitong taong pahinga sa showbiz.

“I’ve been through so much,” pag-amin pa niya.

She narrated that she had one of her breasts removed para maiwasan ang pagkalat ng cancer and gave herself five years to become totally healed na nadagdagan ng dalawa pang taon dahil sa pandemic kaya umabot ng pitong taon ang kanyangpa hinga.

She admits that she misses singing and acting and during her `pause’ from showbiz ay natuto siyang alagaan at mahalin ang kanyang sarili. Natuto rin siyang magsulat at mag-compose ng songs.

During her `break’ ay natuto umano siya ng meditating, exercising, eating the right food and by being positive sa kanyang pananaw na malaki ang naitulong sa kanyang complete healing. Sa pagsusulat at pagku-compose naman ng songs ay humingi umano siya ng advise kina Jose Mari Chan and Ogie Alcasid na parehong kilala at respetadong singers, songwriters and composers.

To date ay nakapag-sulat na umano siya ng 28 songs at kasama na rito ang kanyang Christmas song na pinamagatang “All I Want Is You” na released under Flip Music and will be uploaded in various digital platforms simula ngayong Friday, October 6.

“I am so excited on this new phase of my life and career,” aniya.

During her comeback launch, she rendered several songs na siya mismo ang nag-compose at kasama na rito ang kanyang Christmas ditty na “All I Want is You”. She was also requested ng mga dumalong media and vloggers na awitin ang kanyang signature hit song nung 1987, ang “Boy” na kanya namang pinaunlakan.

Bukod sa “Boy,” pinasikat din noon ni Timmy ang mga awiting “Joke Only,” “Tingin” among others.

Bukod sa singing and recording, Timmy is ready na muling balikan ang kanyang acting career.

At the peak of her career, she had a chance na maging leading lady ng malalaking stars tulad ng yumaong movie king na si Fernando Poe, Jr. sa “Batas ng 45,” the late Eddie Garcia in “Alfredo Lim: Batas ng Maynila,” si Joey de leon in “Sheman: Mistress of the Universe” at iba pa.

Bukod sa maraming pelikulang kanyang nagawa, marami-rami rin siyang nagawang teleserye sa ABS-CBN at GMA na karamihan ay sa Kapuso Network. She also recorded gospel songs for Praise Music.

Although she is not yet a mother in real life, willing siyang gumanap ng iba’t ibang mother roles, a young grandmother and even contravida roles.

Donna nasa peak ng career nang magpahinga

DonnaSA magpipinsang Donna Cruz, Sheryl Cruz, Geneva Cruz at Sunshine Cruz, ang una na lamang ang hindi hiwalay sa asawa at buo ang pamilya.

Magmula nang mag-asawa si Donna sa ophthalmologist doctor husband na si Dr. Potenciano `Yong’ Larrazabal III from Cebu nung December 1998 ay sa Cebu na ring namirmihan ang singer-actress at tuluyan nitong tinalikuran ang kanyang showbiz career para harapin ang kanyang buhay may asawa.

It was a major decision on Donna’s part dahil nasa peak pa siya ng kanyang career nang siya’y mag-asawa at talikuran ang kanyang karera. Pero walang pinagsisisihan si Donna dahil bukod sa masaya ang kanilang pagsasama ng kanyang husband of 25 years, the couple is blessed with three beautiful grown up children na sina Inigo Renato, Potenciano IV at Ysabella, their only daughter.

Kaye masaya sa kanyang buhay kasama si Paul Jake pero…

KayeEMBRACING Cebu as her new homebase ay ang Kapamilya actress na si Kaye Abad na nag-asawa sa ex-PBB housemate-turned actor and businessman nasi Paul Jake Castillo.

Ang celebrity couple ay ikinasal nung December 9, 2016 sa Pedro Calungsod Chapel in Cebu City..

Magmula nang ikasal ang dalawa ay sa Cebu na rin nag-base si Kaye kasama si Paul Jake at ang dalawa nilang anak na sina Joaquin (5) at Inigo (2).

Sa darating na December 9 ay ise-celebrate ng mag-asawa ang kanilang7th wedding anniversary.

Since busy sa work at business si Paul Jake, si Kaye ang kasama ng dalawa nilang anak most of the time kaya siya ang mas disciplinarian sa kanilang mag-asawa. Pero pareho umano silang hands-on parents sa mga bata.

Although masaya na umano sila sa kanilang dalawang makukulit na anak, umaasa pa rin ang mag-asawa na mabibiyayaan din sila ng anak na babae.

Although sa Cebu na naka-base si Kaye with her family, bukas pa rin siya sa kanyang acting career in Manila sa tulong ng kanyang home studio for three decades now, ang Star Magic ng ABS-CBN.

Freddie kumusta na ang buhay ngayon?

FreddieAT 80 (turning 81 on November 24), malakas at matipuno pa rin ang basketball icon, coach, actor-comedian, entrepreneur at dating politician na si Freddie Webb. He and his lovely wife of over six decades na si Elizabeth Pagaspas-Webb ay nabiyaan ng anim na anak at kasama ritosina Hubert, Pinky at Jason.

It was in 1965 nang simulan ni Freddie ang kanyang basketball career at huminto siya sa paglalaro in 1978 pero nagsimula naman siyang maging basketball coach in 1975 hanggang 1985. Although matagal na siyang retired sa paglalaro at pagiging coach ng basketball, he admits na passion na umano niya ito since he was a young boy.

One year after he retired from playing basketball ay pinasok naman niya ang showbiz nang ipareha siya sa actress-comedienne na si Nova Villa sa hit weekly sitcom noon ng IBC-13, ang “Chiks to Chicks” na tumagal ng ilang taon hanggang sila’y lumipat ng ABS-CBN at ginawa itong “Chika, Chika, Chicks” na silang dalawa pa rin ang lead stars bilang Mr. & Mrs. Jimmy Capistrano.

Tulad noon nina Dolphy at Nida Blanca na naging household by-word sa pinagtambalan nilang sitcom na “John en Marsha,” talagang tumatak din sa mga televiewers ang tambalaman nina Freddie at Nova.

Although nakagawa rin ng ibang comedy show si Freddie tulad ng “Abangan Ang Susunod Na Kabanata” at “Haybol Rambol,” mas tumatak ang tambalan nila ni Nova sa “Chiks to Chicks” at “Chika, Chika, Chicks”.

He did quite a number of TV shows, series at pelikula na kaya pa rin umano niyang gawin hanggang ngayon. Sa pelikula ay huli siyang napanood sa “Four Sisters Before the Wedding” ng Star Cinema nung 2020 habang ang last TV series naman niya ay “Love You Two” ng GMA.

As a married couple, sinubok umano ang kanilang tatag nang masangkot sa isang celebrated case ang isa sa kanilang anak na si Hubert na nakulong sa loob ng 15 years and 4 months.

Sa loob ng fifteen years ay sa kulungan umano sila nagse-celebrate ng Pasko with Hubert. Pero isangkakaibang regalo ang kanilang tinanggap nung December 2010 nang tuluyang makalaya ang kanilang anak at muling nabuo ang pamilya sa Pasko at Bagong Taon. May asawa na rin si Hubert na nakilala niya habang nasa kulungan.

Samantala, para sa kabuuan ng aming panayam kay Freddie, tunghayan ang aming exclusive interview sa dating basketball player, coach, actor-comedian at dating politician sa “TicTAlK with Aster Amoyo” on my YouTube channel this Friday, October 6 at 12:00 noon.

Don’t forget to SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALKwith Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE