Isabelle Screenshots mula sa IG/@isabelledaza at @cathygonzaga

Isabelle Daza kay Alex Gonzaga: Ang epal mo

October 3, 2023 People's Tonight 280 views

NAGBITAW ng pabirong hirit ang TV host-actress na si Isabelle Daza sa kanyang celebrity friend at actress-comedienne na si Alex Gonzaga matapos nitong mag-post ng video kasama ang asawa.

Sa kanyang Instagram page nitong Lunes, Oktubre 2, ibinahagi ni Alex ang video kung saan bigla niyang pinilit na gisingin ang asawa niyang si Mikee Morada mula sa mahimbing na pagkakatulog para humingi ng yakap.

“My husband always sleeps early and namimiss ko sya agad,” sey ni Alex sa video.

“Yes i am the clingy wife!” caption naman niya sa post.

Umani naman ng mga reaksyon at komento ang post ni Alex mula sa netizens at ilang personalities.

Nagkomento pa nga ng dalawang beses si Isabelle.

“Ang epal mo,” wika niya kay Alex.

“Its jellytime,” komento pa niya.

Nag-suggest naman si Alex na gawin din ni Isabelle sa asawa ang ginawa niya sa video.

“@isabelledaza do this kay adrienne!” sey ni Alex.

AUTHOR PROFILE