Mikee Larawan mula sa IG/@mikee

Mikee Quintos umaming na-in love kay Alden

October 3, 2023 People's Tonight 300 views

INAMIN ng aktres na si Mikee Quintos na na-in love siya at nagtapat ng nararamdaman sa aktor na si Alden Richards noon.

Sa episode nitong Lunes, Oktubre 2 ng GMA talk show na “Fast Talk with Boy Abunda” kasama ang King of Talk na si Boy Abunda, ikinuwento ni Mikee na nagkagusto siya kay Alden habang magkasama nilang ginagawa ang TV series noong 2019 na “The Gift.”

Sey ng aktres na nakita raw niya ang pagiging mabait at pagiging maka-Diyos ni Alden nang magkasama sila.

“Nakilala ko ‘yung pagkatao niya, ‘yung sweet siya, na mabait siya, kung gaano ka genuine, sobrang God-fearing,” pahayag ni Mikee.

“And I just had to try to express whatever I was feeling. I couldn’t explain it,” wika pa niya.

Hanggang magkaibigan lang sila umano base kay Mikee kahit na pinagtapat nito ang kanyang feelings sa aktor.

“Sinabi ko ‘yun straight up. I think nakikita ko na ngayon ‘yung worth ng tapang ko, hindi siya something na ikakahiya ko,” saad ni Mikee kay Tito Boy.

“Masisisi niyo ba ako?” hirit pa ni Mikee.

Kasalukuyang nobyo ng aktres ang hunk actor na si Paul Salas at higit dalawang taon na silang magkarelasyon.

AUTHOR PROFILE