Daniel

Tatay ni Daniel, biktima ng pekeng quote card

April 17, 2024 Vinia Vivar 74 views

Inalmahan ni Rommel Padilla ang lumalabas na diumano’y pahayag niya tungkol sa breakup ng anak niyang si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Kumalat kasi sa social media ang isang quote card kung saan ay naka-quote nga si Rommel na ipinagtatanggol ang anak na si Daniel sa diumano’y ‘panloloko’ nito kay Kathryn.

Sa kanyang Facebook page ay nirepost ni Rommel ang pekeng statement.

Nakasaad dito na: “Puro kayo panghuhusga kay Daniel na cheater siya, akala niyo naman ang lilinis niyo! Ikaw Kathryn, kung hindi dahil kay Daniel wala ka sa kinatatayuan mo ngayon! Alam mong gwapo ‘yung anak ko, dapat expected mo na hindi lang ikaw ang babae niyan.”

Ayon kay Rommel, fake news ito at walang katotohanan na sinabi niya ang mga naturang pahayag.

“Paalala: May pananagutan po sa Batas ang pagpapakalat nito. #FakeNews,” caption ng tatay ni DJ.

Aniya pa, “Ang post na ito ay SCAM. Maging mapanuri at matuto pong mag-research. Think before you click. ‘WAG MAGPA-LOKO!”

AUTHOR PROFILE