Oliver1

ABOGADONG NILI-LINK KAY KIM GAME MAG-SHOWBIZ

April 17, 2024 Vinia Vivar 98 views

Nanliligaw nga ba kay Kim Chiu ang Cebu-based lawyer na si Atty. Oliver Moeller?

Matatandaan na naging searchee ito sa “EXpecially for You” segment ng It’s Showtime last April 6.

Ang nasabing “sporty lawyer ng Cebu” ang look-alike ni Piolo Pascual na pinili ni Michelle Dee na maka-date nang mag-guest siya sa nasabing segment.

Sa It’s Showtime episode nitong Martes, biglang nakita nina Vice Ganda si Oliver sa audience kaya in-acknowledge niya ito.

Sabi ni Vhong Navarro, “Parang may binibisita siya rito.”

Hirit naman ni Vice, “Naku, si Kim Chiu yata ang binibisita.”

Sa isang panayam, diretso itong tinanong kung nanliligaw siya kay Kim.

Sagot ni Oliver, “I don’t think it’s fair that I speak about that without her permission. Sorry I hope you understand. Kim is pretty nice.”

Pero inamin niya na crush niya si Kim noon pa.

“I’ve always thought Kim was a pretty person, also from Cebu so I guess you can say that,” he said.

Anyway, sinabi rin ng abogado na mula nang um-appear siya sa It’s Showtime ay napakaraming opportunities ang nagbukas sa kanya.

Kasama na nga rito ang pintuan sa showbiz na kinu-consider umano niya.

“I am actually considering it. Partly the reason why I’m here,” sey pa niya.

AUTHOR PROFILE